Joshua Garcia cảm thấy vinh dự khi được ghép đôi với Anne Curtis

Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ni Joshua Garcia , 26, matapos isapubliko na sa kauna-unahang pagkakataon ay makakapareha niya si Anne Curtis, 39.

Sila ang magkatambal sa Philippine adaptation ng hit Koreanovela series na It’s Okay Not To Be Okay.

Bibigyan ng Pinoy version nina Joshua at Anne ang sikat na karakter ng South Korean stars na sina Kim Soo Hyun (Moon Gae Tae) at Seo Ye Ji (Ko Moon Young).

Sila Kim Soo Hyun at Seo Ye Ji ang mga bidang gumanap sa orihinal na Korean series na gagawan ng adaptation ng ABS-CBN.

Sa Philippine adaptation, si Joshua ay gaganap bilang leading man ni Anne na si Patrick “Patpat’ Gonzales. Si Anne ay gaganap bilang Emilia “Mia” Hernandez.

Anne Curtis confirms teleserye comeback after 9 years

Ang Star Creatives, business unit ng ABS-CBN, ang magproprodyus ng serye.

Anne Curtis confirms teleserye comeback after 9 years

Sa press announcement nitong Biyernes, May 17, 2024, natanong si Joshua kung ano ang naramdaman niya nang malamang makakapareha niya si Anne.

Ito ang pagbabalik-teleserye ni Anne sampung taon mula nang pagbidahan niya ang Kapamilya adaptation ng Mars Ravelo’s Dyesebel.

Ani Joshua, “Very honored, sobra.

“Of course, pagkatapos ng napakatagal na panahon babalik siya sa paggawa ng series, tapos isa ako sa mga makakasama niya.

“Isang karangalan talaga. Anne Curtis yan, e.”

Matapos malamang siya ang napiling isa sa bibida sa Pinoy version ng It’s Okay Not To Be Okay, mabilis na naghanda si Joshua para sa proyekto.

Nagsimula raw siyang mag-work out at sumilip sa isang episode ng hit K-drama.

“Sabi ko nga kila Direk, hindi ko pa napanood nang buo, napanood ko yung episode one.

“Episode one pa lang may pa-abs na [si Kim Soo Hyun], kaya pinatay ko agad yung TV, nag-workout na lang ako.

“Yun na lang yung preparation,” napapangiting kuwento ni Joshua.

Dagdag ng aktor, “So, siyempre, nag-prepare ako, nag-wu-workout ako ngayon.