Kapamilya stars Enchong Dee, Vice Ganda, and Yeng Constantino voice out their opinions about Senate President Tito Sotto’s proposal to change the last line of the Philippine National Anthem.
Nag-react ang Kapamilya stars na sina Enchong Dee at Yeng Constantino hinggil sa mungkahi ni Senate President Tito Sotto III na palitan ang huling linya ng Pambansang Awit ng Pilipinas, ang “Lupang Hinirang.”
Gusto ng senador na palitan ang linyang “Ang mamatay ng dahil sa ‘yo” ng “ang ipaglaban ang kalayaan mo.”
Paliwanag ni Sotto, “defeatist” o talunan ang mensahe ng orihinal na lyrics na isinulat ni Jose Palma, at ang musika ay nilikha ni Julian Felipe.
Sa pamamagitan ng social media, naghayag ng kanilang saloobin sina Yeng at Enchong tungkol dito.
Ayon kay Yeng, na isa ring songwriter, mas matimbang ang orihinal na lyrics, na handang ialay ang buhay para sa bayan, kaysa ipaglaban ang kalayaan nito.
Saad niya sa YouTube video na na-upload noong Linggo, September 23, “Kung papalitan, mas mababaw siya kasi mas matindi yung you will die for your country. That is more heroic than just fighting…
“It just feels so good to know… ako, para sa akin, na may someone na [handang] mamatay for me.
“Kung nakakapagsalita ang Motherland natin, sobra siguro siyang touched na sabihin natin sa kanya na, ‘I am willing to die for you.’”
Dagdag ng singer, “Ano pa ang hihigit sa willing kang mamatay sa country mo?
“Hindi siya defeatist. It’s the greatest thing you could do for someone. Kaya nga natin hini-hail yung mga heroes, e.”
Makahulugan naman ang tweet ni Enchong noong Sabado, September 22.
Patukoy ito sa political satire ni Vice Ganda hinggil sa isyu sa episode ng It’s Showtime noong Sabado rin.
Nagsalita si Vice hinggil sa mas matitindi pang problema sa bansa kumpara sa concern ni Senator Sotto na palitan ang lyrics ng National Anthem.
Tweet ni Enchong: “When our entertainers lead the nation and the leaders of our nation entertain… we are doomed.”
Kilala si Enchong na isa sa mga artistang vocal sa pagkondena sa kasalukuyang administrasyon.
VICE GANDA’S SATIRE
Marami ang naaliw sa mga naging pahayag ni Vice sa It’s Showtime noong Sabado tungkol sa suhestiyon ni Senator Sotto.
May patamang pahayag ni Vice, “Sa sobrang dami nilang ginagawa, naisip nilang palitan yata ang huling linya ng National Anthem.
“Pinagdedebatehan ngayon iyan ng karaniwang tao, kung bakit papalitan ang last line ng National Anthem.
“Sa dinami-dami ng nangyayari ngayon, ha, napansin nila yun… ‘Ay, hindi pala maganda yung line, palitan natin.’
“Ba’t yung trapik hindi niyo napansin? Yun na lang ang palitan niyo kaya?”
Sundot ng comedian-TV host, “Papalitan daw yung, ‘Ang mamamatay ng dahil sa ’yo.’
“Bakit hindi na lang ang mamatay dahil sa trapik? Ang mamatay dahil sa mataas na bilihin? Ang mamatay ng dahil sa bukbok ng NFA [rice]?
“Lahat na lang pinapalitan, nakakaloka!
“Nanggigigil ako sa palit-palit na ganyan. Ang dami-daming puwede nating anuhin, e… andami ngayong ano, e, mahahalagang dapat [isipin].
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Vic Sotto at Pauleen Luna handa nang magsampa ng reklamo laban kay Darryl Yap | PEP Hot Story
“Baka bukas-makalawa, pati ‘Leron Leron Sinta’ maisip niyo na rin palitan niyo yung dulo.”
Hirit pa ni Vice, “Yung National Anthem, ang ganda naman ng dulo nun—yung we are willing to fight and die for our country.
“Papalitan mo yun, ang ganda nun. Ang daming puwedeng palitan na kanta.”
Una nang nag-tweet si Vice na sa halip na lyrics ng “Lupang Hinirang” ang pagtuunan ng pansin, ang matinding trapiko na lamang ang solusyunan ng ating gobyerno.