Sa isang maikling panayam na naibahagi sa Facebook Page na “Very W^ng,” ibinahagi ni Chloe San Jose na wala siyang plano na pumasok sa industriya ng showbiz, sa kabila ng kanyang pagiging kilala sa digital content creation.

Chloe San Jose, nagpaunlak ng maiksing panayam sa ilang press peopleChloe San Jose, nagpaunlak ng maiksing panayam sa ilang press people
Source: Facebook

“Ah no… no showbiz for me po,” pahayag niya sa press, at idinagdag na mas pipiliin niyang ipagpatuloy ang kanyang content creation. Ang panayam ay naganap sa paglulunsad ng Real Perfection skincare, kung saan si Francine Diaz ang bagong mukha ng brand, sa Grand Hyatt Hotel sa Bonifacio Global City.

Ipinahayag din ni Chloe na buo ang suporta ni Carlos sa kanyang desisyon. “Ah no naman po, wala naman pong ano si Caloy. He’s very supportive po,” sabi niya nang tanungin tungkol sa posibleng pagpasok sa showbiz.

Bilang pagtatapos, nagbigay si Chloe ng payo sa mga aspiring content creators: “Just keep on being authentic.”

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Matatandaang nag-post si Chloe San Jose ng mga larawan mula sa condominium ni Carlos Yulo.Ibinigay ng Megaworld ang P32 milyong condo bilang regalo kay Carlos dahil sa kanyang tagumpay. Pinuri naman ni Carlos ang bagong hairstyle ni Chloe sa social media. Umugong ang espekulasyon ng mga netizen na maaaring naninirahan na si Chloe sa condo ni Carlos.

Samantala, ibinulgar ni Chavit Singson na hindi na makontak ng pamilya niya si Carlos Yulo. Nag-alok si Singson ng P5-M pabuya para sa pagbabati-bati ng pamilya ni Yulo. Hinimok ni Singson si Caloy na unahin ang kanyang pamilya sa kabila ng tagumpay. Patuloy na umaasa si Singson na maaayos ang gusot sa pagitan ni Yulo at ng kanyang pamilya.