Hindi pa napag-uusapan ng magkasintahang Jak Roberto, 25, at Barbie Forteza, 22, ang kasal.
“Maaga pa, kaka-two years lang namin, e,” nakangiting pakli ng Kapuso actor.
Kahit biruang usapan ng kasal ay wala.
“’Tsaka she’s too young, di ba?”
Ano ang pinakamagandang parte ng pagiging kasintahan ng isang Barbie Forteza?
“Hindi naging hadlang yung relasyon namin sa trabaho namin.
“Usually kasi, ang nangyayari, di ba, pag halimbawa may bini-build up na ka-love team, medyo ina-avoid muna yung maging showy, mga posting [sa social media].
“Ang maganda sa amin, wala kaming ganun.
“‘Tapos, tanggap din kami ng lipunan… naks!” at tumawa si Jak.
Kahit hindi sina Jak at Barbie ang magka-love team noon ay tinanggap ng fans na may relasyon sila sa tunay na buhay.
“Iyon nga po, e. Parang hindi rin namin in-expect.
“Una, nung start pa lang kami, hindi muna namin sinasabi.
“Kasi, medyo takot kaming ma-pressure, takot kaming ma-judge.
“Takot kami na maraming maging problem, maraming mam-bash.
“So kami, parang low profile lang kami that time.
“Hindi namin itinatago, hindi rin namin ipinapakita sa tao.
“Pero since ngayon na parang nagsama na kami sa show ulit after Meant To Be, wala nang bini-build up na love teams, ako rin, wala rin akong leading lady na kailangan kong i-promote.
“So ngayon, mas naging… alam mo yun, suwabe, relaxed lang, kalmado lang lahat,” nakangiting lahad ni Jak.
Nagkasama muli sina Jak at Barbie sa natapos nang primetime series ng GMA-7 na Kara Mia.
BIRTHDAY GIFT
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jak sa GMA Network Center noong Hulyo 30, Martes, isang araw bago ang 22nd birthday ni Barbie.
Ano ba ang regalo niya kay Barbie?
“Ano lang, usually… hindi naman siya materyosa, gusto niya, mag-dinner-dinner. Gusto niya, quality time.
“Isa lang naman ang hilig nun e, yung Wagyu beef.
“Medyo pricey lang kasi kaya kapag may special occasion lang kami nandun, so ganun.”
Wala siyang iba pang materyal na bagay na regalo kay Barbie?
“Alam mo, ini-stalk ko na sa Instagram, e!
“Tinitingnan ko kung ano yung mga nila-like niya ‘tsaka yung mga post na gusto niya.
“So far, wala, e! Wala pa akong nakikita na… lahat siya, lahat ngayon, meron na.
“Kasi, pag nagustuhan niya, yung ate niya sa Chicago, mine-message niya kaagad na i-order siya ng ganito, i-order siya ng ganyan.
“So, wala na akong chance para ako na yung bumili.”
News
It turns out that Kobe Paras fell in love with Kyline because the first time he saw her on the cover of a magazine, a new journey opened up. confession comes from Kyline
Kyline Alcantara and Kobe Paras to fly to China for a shoot The actress is set to star in the upcoming Kapuso adaptation of the K-drama “Shining Inheritance,” alongside Kate Valdez, Paul Salas, Michael Sager, and Coney Reyes. Kyline, however,…
Kobe Paras Surprises Kyline Alcantara On Stage
Isang nakakakilig at hindi malilimutang sandali ang naganap kamakailan sa isang malaking event, kung saan isang espesyal na sorpresa ang inihanda ni Kobe Paras para kay Kyline Alcantara sa mismong entablado, sa harap ng maraming tagahanga. Naging viral ang nasabing…
🔴Ikinagalit ni Kobe Paras nang Mabasa ang Liham Ni Kyline Alcantara kay Mavy Legazpi! 🔴
Kobe Paras, Ikinagalit Nang Mabasa ang Liham ni Kyline Alcantara kay Mavy Legaspi! Alamin ang Buong Kwento! Mainit na usap-usapan ngayon ang tila pagsiklab ng galit ni Kobe Paras matapos mabasa ang isang liham na sinasabing isinulat ni Kyline Alcantara…
Jackie Forster responds to fans saying they want to marry sons Andre, Kobe. Benjie Paras knows this or not…
Celebrity mom Jackie Forster had the sweetest reply to these fans who said they wanted to marry her sons — Andre and Kobe — with former basketball player Benjie Paras. Under her most recent Instagram post advising ladies on how to finally…
COCO MARTIN MATAPANG NA NILANTAD ANG TOTOONG PAGTAO AT UGALI NI JULIA MONTES SA TOTOONG BUHAY
Coco Martin, Matapang na Inilahad ang Tunay na Pagkatao at Ugali ni Julia Montes sa Totoong Buhay Nagbigay ng matapang na pahayag si Coco Martin kamakailan tungkol sa tunay na pagkatao ni Julia Montes, na matagal nang iniuugnay sa kanya…
YASSI PRESSMAN AT COCO MARTIN TULOY ANG KASAL | JULIA MONTES NAGPAUBAYA NA!
Yassi Pressman at Coco Martin, Tuloy ang Kasal? Julia Montes Nagpaubaya Na! Alamin ang Katotohanan sa Likod ng Tsismis! Muling umingay ang mundo ng showbiz matapos kumalat ang usap-usapang sina Yassi Pressman at Coco Martin ay magpapakasal na, at diumano’y…
End of content
No more pages to load