Opisyal nang nagsimula ang ‘Hello Again Tour’ nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Ang nasabing mall tour ay para sa pinakaaabangang Filipino movie ngayong taon, ang ‘Hello, Love, Again’, na sequel sa 2019 blockbuster hit na ‘Hello, Love, Goodbye’ ng KathDen love team.

KathDen-Fans
Nag-umpisa ang tour nitong Sabado (October 5) sa may Ayala Malls Solenad sa may NUVALI sa Sta. Rosa, Laguna.

Kasama nina Kath at Alden ang co-star nila sa pelikula na si Valerie Concepcion, na nagbigay rin ng kasiyahan sa libu-libong fans na nanonood.

Todo ang hiyawan at tilian ng KathDen fans nang unang lumabas si Alden para mag-perform, na sinundan naman ni Kath.

Akala mo raw ay magdyowa ang dalawa nang magsama na sa stage.

Highlight sa gabing iyon ang grand reveal ng official poster ng ‘Hello, Love, Again’.

Marami ang natuwa dahil naging consistent ang poster sa poster ng unang movie, na this time nga ang bansang Canada naman ang background.

Hindi lang sa Ayala Malls Solenad nadama ang support ng mga fan dahil dama rin ang pagmamahal ng netizens sa online world nang mag-trend agad sa X ang nasabing event.

Marami pang schedule ang ‘Hello Again Tour’ na tatagal ng mahigit isang buwan kaya marami at mahaba rin ang panahon na pagsasamahan nina Kath at Alden.