GMA-7 na magkakaroon na ang season break ang Family Feud ni Dingdong Dantes.

Sunud-sunod din naman ang mga ginagawa ni Dingdong, dahil meron pa rin siyang Amazing Earth, at tuluy-tuloy na ang taping ng drama series niyang Royal Blood.

P σ ρ σ ყ on X: "joshua garcia x dingdong dantes 🔥 #UnbreakMyHeart  https://t.co/83ATosKJxg" / X

Sisimulan na rin ang ihu-host niyang The Voice Generation.

Ayon sa nasagap ng PEP Troika, nasa huling tatlong linggo na raw itong top-rated game show ni Dingdong. Nakapag-tape na sila ng episodes hanggang sa season break nito.

Ilan sa aabangang maglalaro bago ang season break ay si Claudine Barretto, ang sikat na grupong SB19, si Joross Gamboa, ang grupo ni Herlene Budol ng Magandang Dilag, ang mga award-winning Kapuso journalist, at ang cast ng Unbreak My Heart na pinangunahan ni Joshua Garcia.

Joshua Garcia NASTARSTRUCK Kay DingDong Dantes Sa KANIYANG PAGBISITA Sa  Family Feud - YouTube

Nabanggit na sa amin noon ni Joshua sa premiere night ng Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan na malapit na raw ang schedule ng taping niya sa naturang game show at excited siya. Katatapos lang ng taping ng Kapamilya actor.

Ayon pa sa ilang napagtanungan namin, hanggang September daw ang season break ng Family Feud. Pero hindi pa ito kumpirmado, at posibleng marami pang mababago lalo na’t marami pang aabangang mga bagong programa sa GMA-7.

JERRY OLEA

Sa nakaraang birthday party ni Tita Aster Amoyo, naikuwento ni Eva Eugenio na sobrang na-enjoy niya ang paglalaro sa Family Feud.

Kasama ni Eva ang pamilya niya at kaibigan niya, kalaban si Tita Boots Anson Roa-Rodrigo at ang pamilya nito.

family feud

Ang rating ng Family Feud nung Huwebes ay 9.8%. Noong araw ring yun ay naka-6.8% ang Eat Bulaga! versus It’s Showtime na 2.2%.

Sumunod ang Abot Kamay na Pangarap na naka-11%. Ang AraBella ay 8.5%. Ang The Seed of Love ay 6.3%, at ang Fast Talk with Boy Abunda ay 5.1%.

NOEL FERRER

The busiest person and the one in charge of all these top-rating shows ay ang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na bukod sa Family Feud ay may Amazing Earth pa kapag weekend.

Then, meron pang ginagawang teleserye na Royal Blood at heto ngang paparating na The Voice Generations.

Hindi pa riyan natatapos ang kabisihan ni Dong. May pelikula siya with Alessandra da Rossi for GMA Pictures, at meron ding nilulutong pelikula with Marian Rivera sa isa pang film outfit.

Exciting kung ano ang maisasaling pelikula niya sa MMFF sa Kapaskuhan. Good things happen to good people.

Dingdong should be savoring his career success very well and enjoying his good family life, too! All the best always!