Marian Rivera on the success of Kathryn Bernardo and Alden Richards: “Alam mo, dapat ang tao, kapag ang isang tao ay nagiging successful at nasa taas, dapat gawin mong inspirasyon yun para ikaw din sa sarili mo, mangarap kang ganun.”

Masaya ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa magandang nangyayari sa career ng kapwa niya Kapusong si Alden Richards.

Si Alden ang isa sa prime talents ngayon ng GMA Network, matapos maging blockbuster ang pelikula nitong Hello, Love, Goodbye kasama ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Tsika ni Ogie Diaz: Alden Richards, Kathryn Bernardo mag-'MU' na

Kathryn Bernardo, Alden Richards, DongYan to receive Box Office honors |  Philstar.com

Sabi ni Marian, “Alam mo, dapat ang tao, kapag ang isang tao ay nagiging successful at nasa taas, dapat gawin mong inspirasyon yun para ikaw din sa sarili mo, mangarap kang ganun.

“Kaya kung ano yung narating ni Alden, at saka ni Kath, sobrang happy ako para sa kanila kasi napakabait nung dalawa sa akin.”

Nagkasama sina Marian at Alden sa ilang proyekto sa GMA-7, kabilang na ang My Beloved (2012), Carmela (2014), at sa napapanood pa ring Sunday PinaSaya.

Si Kathryn naman ay minsang gumanap bilang batang Marian sa dating Kapuso teleserye na Endless Love (2010).

Puring-puri rin ni Marian ang kabaitan ni Kathryn kahit sikat na sikat na ito.

Sabi niya, “And si Kathryn, napaka-sweet din kasi kahit parang nasa taas na siya, nung birthday ko, grineet pa din niya ako.

“Si Alden din naman, di nakalimot, nagpadala din ng flowers nung birthday ko.

“So, nakakatuwa yung ganung tao and sana tuluy-tuloy ang magiging success nila sa buhay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Marian sa media conference para sa second anniversary ng hinu-host niyang drama anthology sa GMA-7, ang Tadhana.

Ginanap ang presscon sa 17th floor ng GMA Network Center ngayong tanghali ng Huwebes, September 5.