Usap-usapan ngayon sa social media ang ex-couple na sina Nadine Lustre at James Reid.

Ito’y matapos nilang magkita sa opening ng Gucci’s revamped boutique sa Greenbelt 4 sa Makati City nitong Miyerkules, September 6, 2023.

Nadine Lustre reunites with ex-boyfriend James Reid at event

Akto pang nakunan ng video ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tagpo ng paglapit ni James kay Nadine, na noo’y katabi ang It’s Showtime host na si Anne Curtis.

Makikita rin sa video ang pag-urong ni Anne para bigyan ng space ang dating magkarelasyon.

Dito na binati, nginitian, at bineso ni James si Nadine bago sila mag-pose upang kunan ng litrato.

JADINE FANS REACT

Agad nag-viral at pinag-usapan sa social media ang muling pagkikita nina Nadine at James.

Ikinatuwa ito ng netizens lalo na ang fans ng dati nilang tambalan na JaDine.

Tweet ng isang netizen, “Good morning, naman saken. The first thing I saw was this video of my divorced parents. Yung naka-move on na Jadine pero ako hindi pa. Pero basta you are both happy, happy na rin ako. And really glad na friends pa rin kayo no matter what people says.”

Saad pa ng isa, “Huhu may kilig pa rin sa jadine bakit bwahaha but happy na ako for nadine!!!”

Sabi naman ng isa, “Someday…not as lovers but as co-workers. Grabe the chemistry is still there.”

Mayroon ding netizens ang nakapansin sa parehong kulay ng damit ng dalawa.

Hirit ng isang netizen, “Parang couple outfit ah Nadine and James. HAHAHA.”

Dagdag pa ng isa, “That matchy-matchy outfit. Couple outfit yarn?”

ISSA PRESSMAN JOINS JAMES REID AT THE EVENT

Bukod kina James, Nadine, at Anne, present din sa Gucci event sina Liza Soberano, Catriona Gray, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Sarah Lahbati, at ang kasintahan ngayon ni James na si Issa Pressman.

Ayon sa Deputy Lifestyle Editor ng PEP.ph na si Nikko Tuazon, na um-attend din ng event, makailang beses nagbatian at nagbeso sina Nadine at Issa.

Ito’y sa kabila ng pagkakadawit ng pangalan ni Issa sa hiwalayan noon nina Nadine at James.

Noong January 1, 2020, inulat ng PEP.ph ang breakup nina James at Nadine.

Kinumpirma ng dalawa ang paghihiwalay nila sa pamamagitan ng kanilang joint statement noong January 20, 2020.

Sa ulat ng PEP.ph noong January 22, 2020, itinuro ng netizens si Issa na diumano’y third party sa hiwalayang JaDine.

Nadine Lustre And James Reid's Reunion At An Event

Pero noong January 23, 2020, humupa rin ang isyu matapos humingi ng dispensa ni James sa magkapatid na Issa at Yassi Pressman sa pagkakadawit ng mga ito sa isyu.

Mariin ding pinabulaanan noon ni Issa ang bintang na siya ang dahilan ng breakup nina James at Nadine.

JAMES-ISSA RELATIONSHIP

Umugong muli ang isyung magkarelasyon na sina James at Issa nang mag-post si Issa ng larawan ka-holding hands si James noong Marso.

Kuha ang larawan sa Harry Styles concert noong March 16, 2023.

James Reid nag-react sa 'twinning' nila ni Nadine Lustre

March 17, 2023, nag-post si James sa kanyang Instagram Stories ng statement kung saan dito ay sinabi niyang wala siyang kasing saya ngayon.

Hanggang noong March 24, 2023, mismong si Yassi na ang nagkumpirmang may namamagitan sa kapatid niyang si Issa at kaibigang si James.

Sinabi rin ni Yassi na nakausap niya si Nadine. Wala raw silang problema at wala rin umanong isyu si Nadine sa relasyon nina James at Issa.

Kilala kasing malapit na magkaibigan sina Yassi at Nadine.

Samantala, sa ngayon ay may kasintahan na rin si Nadine—si Christophe Bariou.