Muling sumagot sa isang basher si AJ Raval kahit hindi naman patungkol sa kanya ang komento nito.
Pinuntirya kasi ng netizen ay ang nobyo ni AJ na si Aljur Abrenica, na papalaot na rin sa pulitika.
Tatakbo si Aljur bilang konsehal sa Angeles City, Pampanga, sa 2025 elections.
AJ RAVAL: “I WILL PRAY FOR YOU”
Sa lumang post sa Instagram ni AJ kung saan pini-flex ng aktres ang relasyon nila ni Aljur, may nagkomentong netizen may isang linggo na ang nakalilipas.
Umalma ang netizen matapos kumalat ang balitang pati si Aljur ay tatakbo na rin sa susunod na eleksyon.
Sabi ng netizen, paano raw sasabihing magsisilbi si Aljur sa mga tao gayong iniwan nito ang sariling pamilya. Ang tinutukoy ng netizen ay ang pakikipaghiwalay ng aktor sa asawa nitong si Kylie Padilla, kung saan mayroon siyang dalawang anak na lalaki.
Ayon pa sa netizen, wala na rin daw kasing proyekto si Aljur sa showbiz kaya sa politika naman magbabakasakali.
Buong komento ng netizen, “tigas ng mukha mo tumakbo ng eleksyon eh sariling pamilya mo nga iniwan mo at hindi mo mapanindigan taong bayan pa kaya! laos na kasi kaya politika naman ang gagawing gatasan”
Sumagot dito si AJ, ang kasalukuyang karelasyon ni Aljur.
Sabi ni AJ, “I will pray for you” at “Godbless you and your Family.”
Sarkastiko namang sumagot dito ang netizen.
Ayon dito, hindi niya kailangan ng dasal mula kay AJ at sa boyfriend nito. Baka sila pa raw ang mas higit na nangangailangan nito
At bakit daw si AJ ang sumagot gayong hindi naman siya ang tatakbo sa eleksyon. Daig pa raw nito ang tunay na “legal wife.”
Buong komento ng netizen: “thanks! diko kailangan ng prayers mo kung sa gaya mo rin lang na tao mangagaling ang dasal at tingin ko mas need mo ata ang dasal namin para sayo at sa jowa mong laos at irresponsable kasi hindi naman kami ang nang agrabyado sa pamilya ng jowa mo.
“tsaka hindi naman ikaw ang issue at hindi naman ikaw nag tatakbo sa eleksyon kung makapag react ka as if ikaw yung legal wife! at sa totoo naman eh paanong tutulong jowa mo sa taong bayan kung sarili nyang asawa at mga anak hindi nya naipaglaban at napanindigan taong bayan pa kaya!?”
Hindi na sumagot si AJ sa netizen.
News
Jackie Forster is the proudest mom to Kobe Paras as he walked the runway during New York Fashion Week.
Jackie Forster is the proudest mom to Kobe Paras as he walked the runway during New York Fashion Week. On Instagram, she shared a video compilation of Kobe’s runway moments for the brand Millari. “We are so ready for it!”…
Kyline Alcantara “still believes in love” but “isn’t willing to enter a new relationship”
Kyline Alcantara has finally addressed her split with Mavy Legaspi. On Thursday’s “Fast Talk with Boy Abunda,” the Sparkle star said she thinks everyone should move on from it. “In every relationship naman po that I have or had, whether…
Kobe Paras meets girlfriend’s family after going public with their relationship
For the first time, Kyline Alcantara , 22, and Kobe Paras, 27, agreed to be interviewed together about their identity. This took place at The Farm by Concepcions in Infanta, Quezon on October 3, 2024, a few hours before the…
VIDEO SHOCK: Vice Ganda spills details on Karylle’s encounter with Marian and Dingdong
What would you do if you crossed paths with your ex-boyfriend and his wife? For Karylle Padilla, she kept it cool, casual and polite. While taking on her judging duties for the “Tawag ng Tanghalan” segment in the noontime variety…
VIRAL VIDEO: Ang diskriminasyon ng ina ni Gerald Anderson kina Bea Alonzo at Julia Barretto. Bakit mas pinili si Julia?
Tila nagiging mas matatag ang kagustuhan ni Kapamilya actor Gerald Anderson na bigyang katuwang ang kanyang ina, si Evangeline, na humihiling ng apo mula sa kanya at sa kanyang kasintahang si Julia Barretto. Kamakailan, umusbong ang isang video clip sa…
Gerald Anderson’s mother opens up about relationship between Bea Alonzo and her son: ‘I never liked her!’
Gerald Anderson’s mother Evangeline Opsima is definitely unhappy with the controversy surrounding her son’s breakup with Bea Alonzo, as she recently admitted that she has never liked the actress for her son. As reported on Rappler, Opsima, known by her…
End of content
No more pages to load