Naniniwala si Barbie Forteza na marami sa mga manonood ang matatalino kung saan mas matimbang para sa kanila ang kalidad ng isang proyekto kesa personal na buhay ng mga bida.

barbie forteza david licacuo that kind of love presscon

Isang perpektong halimbawa ay ang BarDa loveteam nina Barbie at David Licauco, na unang tinangkilik at minahal ng mga manonood sa highly acclaimed primetime series na Maria Clara at Ibarra.

“I think maraming tao na matatalino na ngayon, I won’t say anyone, pero marami na they all watch for the content, for the quality of the film or the series and not so much looking forward dun sa personal lives ng mga artista,” pahayag ni Barbie sa ekslusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pagkatapos ng Maria Clara At Ibarra ay nagsunud-sunod na ang mga proyekto ng tambalan nina Barbie at David sa GMA-7, gaya ng limited series na Maging Sino Ka Man at ng upcoming war drama na Pulang Araw.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon ay mapapanood na rin ang BarDa tandem sa pelikula sa pamamagitan ng That Kind of Love ng Pocket Media Productions. Ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa July 10, 2023.

barbie david that kind of love presscon

Barbie Forteza and David Licauco at the presscon of That Kind of Love. 
Photo/s: Jerry Olea

Ang tagumpay ng tambalan nina Barbie at David ay masasabing pambihira dahil hindi lingid sa kaalaman ng publiko na pareho silang may ibang karelasyon sa tunay na buhay.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Si Barbie ay pitong taon na ang relasyon sa kanyang boyfriend na si Jak Roberto. Habang si David ay pinaniniwalaang may non-showbiz girlfriend sa kasalukuyan.

BARBIE ON BARDA LOVETEAM

Sa presscon ng That Kind of Love, na ginanap noong June 20 sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City, tinanong ng PEP si Barbie kung ano sa palagay niya ang advantage at disadvantage kapag hindi totoong magkarelasyon ang isang loveteam katulad ng kaso nila ni David.

Ayon sa Kapuso actress: “The thrill will always be there. The excitement and the fantasy will always be there, kung magiging kami ba o hindi will always be there.

“Hindi mamamatay yung chemistry kasi, di ba, pag binigay mo na, pag naging kayo na, wala nang thrill, wala nang…

“There’s a chance na mababawasan yung kilig kasi mababawasan na yung thrill na sila na, e, ganyan, di ba?

“Yung disadvantage naman pag di kayo magkarelasyon and you’re in a loveteam is double effort kayo in terms of making the scene work siyempre.

“The comfortability it takes is a lot of adjustment. Kumbaga, yung personal relationship, kailangang tight yung bond ninyong dalawa para maging kumportable kayo sa mga eksena.

“Kasi nga, yung mga eksena niyo, eksena ng mga magdyowa.

“Ang disadvantage lang dun, yung effort niyo dodoble.”

barbie david that kind of love presscon

BARDA LAUNCHING MOVIE

Dahil launching ng BarDa loveteam ang That Kind Of Love, may kaba o pressure kayang nararamdaman si Barbie?

“Mas excited kasi, looking back, sobrang kinilig ako while doing this film. I’m very excited na kiligin ulit while watching it now,” sabi ng aktres.

“Dito, marami kayong dapat abangan. Kasi dito, we try to achieve yung movie-like kind of romance.

“Lahat tayo yun ang pinapangarap, di ba? Yung buhay na parang pelikula na ma-in love sa iyo yung isang napakayamang guwapong businessman.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon, we wil feed the fantasy of the audience na mami-meet niyo yung happy ending. And you will find that kind of love here in this movie.”

Sa tingin ba niya ay boyfriend material si David?

Sagot ni Barbie, “Well, sa mga kinukuwento niya nga sa akin na mga ginagawa niya dati, yung mga tinatanong ko sa kanya, mga craziest thing you did for love before, ganyan.

“Sobrang naa-admire ko how he loves a person. Talagang all out siya magmahal sa babaeng mahal niya talaga.

“I really admire that of him, and kita ko rin naman ang sincerity niya as a person and how he cares for me. Ang ganda ng upbringing niya kasi he’s really a good example.”