Sa pamamagitan ng Instagram post ni Lolit Solis, ibinuking nitong girlfriend na ni Kobe Paras ang kasalukuyang nali-link sa kanyang si Kyline Alcantara.

kyline alcantara kobe paras real score

Ito ay matapos pagsabihan ni Lolit ang anak nina Benjie Paras at Jackie Forster na si Kobe na dapat ang maging girlfriend nito ay ka-level nina Sharon Cuneta o ni Kris Aquino.

Hindi inaasahan ni Lolit na naging sagot ni Kobe: wala raw bastusan dahil girlfriend na nito si Kyline.
Nang eksklusibong makapanayam ng PEP.ph (Philippine Portal Entertainmnent) si Kyline sa taping nito ng Kapuso drama series na Shining Inhertitance, noong Huwebes, October 9, sa Cainta, Rizal, inalam namin ang reaksiyon nito sa pahayag ni Lolit.

Pero deadma lang dito ang 22-year-old Kapuso actress.

Nakangiti niyang sabi, “Wala. Wala po akong reaksiyon.

“Wow! I just want to wish everyone well.”

Hindi na nagdagdag ng anumang pahayag tungkol dito si Kyline, na ibig sabihin ay ayaw na niya itong pag-usapan.
KYLINE AND KOBE’S SWEET PHOTOS AND VIDEOS
Inalam ng PEP.ph kung ano ang masasabi ni Kyline sa viral videos at photos ng lambingan nila ni Kobe sa Infanta, Quezon, ilang araw matapos niyang mag-show doon at magbakasyon na rin kasama ang kanyang mga magulang, at ilang kaibigan

Karamihan ng mga komento ng netizens ay magaganda at positibo.
Aniya, “Ha? Talaga po?

“It feels great, kasi wala naman po kaming inaapakang tao.

“It feels great to be loved, and appreciated.

“Actually, ako po, hindi po ako nagbabasa ng comments kasi medyo naapektuhan ako noong first time.

“Now, yeah, masarap po sa pakiramdam.”

GMA News - LOOK: Kyline Alcantara is having the time of... | Facebook

Posibleng ang tinutukoy ni Kyline na “first time” ay ang intriga noon sa pagitan nila ng ex-boyfriend na si Mavy Legaspi at sa ina nitong si Carmina Villarroel
Sinasabi pa nga ng iba, na ang impact ng videos at photos nina Kyline at Kobe ay maihahalintulad sa epekto ng ilang sikat na love teams sa showbiz.

Nagtatakang reaksiyon niya, “No way!

“Thank you, thank you, kung ganoon ang tingin nila.

“Actually, most of the videos and photos na ipinakita sa akin ng mga kaibigan ko, hindi po namin alam kung ano ang nangyayari. Hahaha!

“‘Ay, may video pala tayong ganito. Ay, ginawa pala natin ito.'”

At sa naglalabasan nga, nabuking na ang term of endearnent pala nila ay “love,” na sa bibig mismo ito ni Kobe nanggaling.

Patay-malisya namang reaksiyon ng aktres, “Ha? Grabe! Talaga po ba? Parang wala naman po akong narinig.

“Wala. Kayo talaga.

“Ang dami niyong naririnig na hindi ko naririnig.”

kyline alcantara 🌻 on X: "beach please ❤️ #KylineAlcantara  https://t.co/dnApxl5qcK" / X
KOBE IS A BLESSING FOR KYLINE
Sa hiwalay na panayam sa kanya ng GMA News entertainment reporter na si Lhar Santiago noong araw ring yun, inalam nito sa kanya kung ano ang masasabi niya sa pagdating ni Kobe sa buhay niya.

Sagot ni Kyline, “Yung pagdating naman niya sa buhay ko, I consider it as a blessing.

“That’s why I feel so lucky. I feel blessed, I feel contended with everyhting that’s happening to me now.”

Hindi kaya pasukin na nito ang mundo ng showbiz katulad ng ama nitong si Benjie Paras?
yon kay Kyline, “Actually, nahihiya pa si Kobe, pero sana po in the future.

“Pero feeling ko po magbabalik muna siya sa pagba-basketball.

“Ini-encourage ko siya, ‘Mag-basketball ka na lang.’

“He’s actually preparing for it, kasi nami-miss din daw niya po.

“And isa din yun sa talent na sobrang pinaghirapan niyang matutunan, at galingan.

“So he’s preparing for it, but I still don’t know kung saang team siya sasali.”