Sina David Licauco at Barbie Forteza pa rin ang magkapareha sa upcoming prime-time series ng GMA-7 na Pulang Araw.
Napapatunayan nina David at Barbie na hindi kailangang maging magkarelasyon ang screen partners para magkaroon ng fan base.
Barbie Forteza and David Licauco, aka BarDa, as part of Pulang Araw
Ano ang pakiramdam ni David na na-break nila ni Barbie yung norm sa isang Pinoy love team?
“Well, I think meron pa rin nagho-hope na maghiwalay sila ni Jak,” pagtukoy ng 29-year-old actor sa real-life ni Barbie na si Jak Roberto.
“But I think, alam naman nila na hindi mangyayari yung ganoong bagay dahil may kanya-kanya nga kaming buhay.
“Masaya naman kami na ginagawa namin ito, at saka I’m happy to see her journey as an actress, and her, getting all the endorsements and getting all the recognition that she truly deserves.
“Kasi, alam ko naman na sobrang galing ni Barbie na artista. At nakilala ko siya na napakabait na tao.
“Siya kasi yung type ng artista na alam niya ang work, which is tama naman talaga.”
barbie forteza and real-life boyfriend jak roberto
DAVID LICAUCO ON HAVING A GIRLFRIEND
Bago pa man sila naging love team, bukas na sa lahat ang relasyon nina Barbie at Jak.
Pero kay David, hindi ba nagiging pressure sa kanya sakaling may girlfriend siya at malaman ng publiko?
“Hindi naman, hindi naman,” sagot niya.
“Alam ko naman na trabaho lang yung showbiz. Hinihiwalay ko kung ano man ang meron ako sa relationship outside showbiz.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si David sa ginanap na mediacon ng G! LU sa KAO Manila Newport Resorts World noong April 17.
DAVID LICAUCO TO BARDA FANS
Sa BarDa fans na minsan, nagagalit at ipinipilit na dapat sila rin talaga sa totoong buhay, ano ang mensahe niya sa kanila?
“Happy ako na napapasaya namin sila, pero sana, wag lang sila yung—I mean, i-limit lang ang hate.
“Kasi naiintindihan ko naman kasi, very well invested sila sa amin. Naapektuhan din sila.
“Pero sa akin, iwasan lang ang hate.”
DAVID LICAUCO SETS SIGHTS ON ACTING AWARD FOR PULANG ARAW
Hindi naman maitago ni David ang excitement sa kanyang upcoming teleserye.
May goal nga raw siya.
“Excited ako doon,” saad niya.
“Ang goal ko doon, Best Actor. Sana, sana mabigyan ng recognition.”
Isang Japanese soldier ang karakter na ginagampanan ni David sa Pulang Araw.
“Ang hirap ng role, but I think it’s a good background for me to showcase my skill as an actor.
“I think, this is the heaviest scenes I’ve done. Kaya super excited ako for this na nabigyan ako ng ganitong opportunity.
“Super nice role, remarkable. Kumbaga, pinagdaanan ito ng mga Filipino noon and for me to be an instrument na makita nila kung paano dati, and I think, kapag nakita nila ito, mas maa-appreciate nila kung ano ang meron tayo ngayon. Kung ano ang mas sinacrifice ng mga Filipino noon.”
Ang pagsasalita ng lengguwahe ng Japan ang isa sa challenges niya while portraying the role. Nag-aaral daw siya ng Nihonggo.
“Masaya naman at nae-excite talaga ako. Parang never akong na-excite sa isang teleserye. With Pulang Araw, parang nanggigigil ako every time. Na kailangan kong galingan.”
News
Kim Chiu and Barbie Forteza weighed in on the age-old debate of…
Kim Chiu and Barbie Forteza weighed in on the age-old debate of city life versus provincial life. In a recent YouTube vlog uploaded on March 31, 2024, the two Filipino actresses engaged in a candid conversation in a game of “This or That,”…
Barbie Forteza on the Dark Side of Friendship with David Licauco
Naniniwala si Barbie Forteza na marami sa mga manonood ang matatalino kung saan mas matimbang para sa kanila ang kalidad ng isang proyekto kesa personal na buhay ng mga bida. Isang perpektong halimbawa ay ang BarDa loveteam nina Barbie at David Licauco, na…
Sanya Lopez laughs off JakBie breakup rumors: “It’s funny…”
Pinagtatawanan lang ng Kapuso actress na si Sanya Lopez ang hindi mamatay-matay na isyung, diumano, hiwalay na ang nakatatanda niyang kapatid na si Jak Roberto at long-time girlfriend nitong si Barbie Forteza. Makailang beses nang naisyu ang relasyon nina Barbie at Jak o JakBie, lalo…
Barbie Forteza and David Licauco’s sweet memories in South Korea
Malaking bahagi ng pelikulang That Kind Of Love ay ginawa sa Seoul, South Korea, kaya tinanong ang mga lead stars ng pelikula na sina Barbie Forteza at David Licauco tungkol sa hindi nila makakalimutang eksena na kinunan sa naturang bansa. Photo/s: @pmproductionsinc on Instagram Umpisang lahad…
David Licauco did these things for love. Does he really have feelings for Barbie Forteza?
Sa loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco, tila mas may diskarte sa pakikipagrelasyon ang aktres. Lalo na’t sa totoong buhay, pitong taon nang going strong ang relasyon ni Barbie at ng nobyong si Jak Roberto. Sabay na humarap sina Barbie at David sa mediacon ng pelikula…
Ruru Madrid admits being rejected by Barbie Forteza in the past
Tuluyan nang pinangalanan ni Ruru Madrid ang Kapuso actress na nambasted sa kanya ilang taon na ang nakararaan. Ito’y walang iba kundi si Barbie Forteza. Noong 2020, sa Kapuso late-night show na The Boobay And Super Tekla Show o TBATS, inamin ni Ruru ang pagporma niya noon sa…
End of content
No more pages to load