May relasyon ba ang modelong si Kirk Bondad at former Pinoy Big Brother: Otso housemate na si Lou Yanong?

Are Kirk Bondad and Lou Yanong now Instagram official?

Ito marahil ang tanong ng netizens na nakakita sa latest post ni Kirk sa kanyang Instagram.

Noong October 10, 2024, nag-share si Kirk ng ilang larawan kung saan kasama niya si Lou.

Nasa Coron, Palawan sila at nagbabakasyon.

Sabi ni Kirk sa caption, “Going back for those chicken fingers #yumsters [heart emoji]”

Naka-tag din dito ang hotel na kanilang tinuluyan.

Komento ni Lou, “Agreed [nerd face, heart emojis]”

Netizens on Lou Yanong and Kirk Bondad


May nauna na ring in-upload na video si Kirk noong October 8, 2024, kung saan makikitang nag-eehersisyo sila ni Lou.

Caption ni Kirk, “Before you know it, you’ll see us doing vlogs”

Walang post si Lou na kasama niya si Kirk, pero may post siya tungkol sa bakasyon sa Palawan.

May isang netizen na nagkomentong, “My 2 beautiful (heart emoji) loves”

Tugon ni Lou, “heart, cherries, face a blowing a kiss emojis”

Netizens on Lou Yanong and Kirk Bondad

Marami namang netizens ang nagpaabot ng suporta sa dalawa, kung sakali ngang may namamagitan sa kanila:

Netizens on Lou Yanong and Kirk Bondad

Netizens on Lou Yanong and Kirk Bondad

Netizens on Lou Yanong and Kirk Bondad
KIRK BONDAD, LOU YANONG PAST RELATIONSHIPS
Taong 2020 ay winakasan ni Lou Yanong at Andre Brouillette ang kanilang relasyon.

Nabuo sa Pinoy Big Brother: Otso (November 10, 2018 to August 4, 2019) ang LouDre loveteam nina Andre at Lou.

Gary Valenciano performs “Hataw Na” at the GCash 20th anniversary party | PEP Jams

Sinubaybayan at sinuportahan ang LouDre ng kanilang mga tagahanga na nalulungkot dahil hindi nagtagal ang relasyon ng dalawa.

Samantala, naghiwalay naman si Kirk at ex-girlfriend na si Miss Eco International 2022 Kathleen Paton noong March 2023.

Noong September 2023, nagdesisyon si Kirk na manatili munang single dahil pakiramdam niya ay unfair sa babae kung makikipagrelasyon siya sa puntong iyon ng kanyang buhay.
Wala pang pormal na announcement sina Kirk at Lou tungkol sa real score nila.