Ang Tiktok sensation na si Jayden Fernandez aka Jonas Harina ng San Antonio, Quezon, ay isa sa finalists ng Mr. Grand Philippines 2024.

Sumikat si Jayden sa online selling ng Bench underwear. Isinusuot muna niya ang underwear bago bilhin ng viewer.

Kabilang si Jayden sa mga rumampa sa Bench Body Vernissage fashion show kamakailan. Kasama rin siya sa Body of Work show ng Bench na nakatakda sa Marso 21, 2025.

jayden fernandez bench underwear

“I’m really grateful to Bench na rin kasi siya yung naging platform ko rin para mas makilala,” sambit ni Jayden matapos ang press presentation at sashing ceremony ng Mr. Grand Philippines 2024 nitong Oktubre 8, Martes ng gabi, sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.

ONLINE SELLING OF BENCH UNDERWEAR

Nilinaw ni Jayden na walang tie-up sa Bench ang online selling niya ng underwear.

“We really don’t have any contract pero since dun ako nakilala, dun ako nag-trend before, so I’m really grateful to them as well,” wika ni Jayden.

“Kasi yun ang naging platform ko para mas makilala, and to gain more support po.”

Plinano ba niya talagang gawin iyong online selling nang naka-underwear?

“To be honest po, hindi po. I’m just working, and since I’m a brand presentor, we are being pitched to other brands na gustong kumuha sa amin through live selling.

“So I’m really grateful to Bench na they really gave me the chance na somehow maging mukha po nung brand nila.”

TikTok Star Jonas Harina a.k.a. Jayden Fernandez joins Mister Grand  Philippines 2024 👑🇵🇭

Nakilala na ba niya sina Sir Ben Chan at Sir Miguel Pastor ng Bench?

“Yes po, but I haven’t mingled with them personally po… but I saw them on the Bench fashion week,” sabi ni Jayden.

“And I can feel that they are really great people po, since they are surrounded by many great people, too.”

Ang online selling ni Jayden ay ginaganap sa office ng e-commerce company na pinagtatrabahuhan niya sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.

JAYDEN’S FAMILY REACTION TO HIS ONLINE SELLING

Noong first time siyang mag-online selling nang naka-underwear, ano ang reaksyon ng kanyang mga kapamilya o kamag-anak?

“Yung family ko po, for sure they are shocked. I came from a conservative family, religious family,” pagtatapat ni Jayden.

“And I’m really the first one, the family member na to do that.”

Ano ang pakiramdam niya kapag nire-request ng viewer na isuot muna niya yung underwear na ibinebenta niya?

“As of the moment po, I’m now used to it. Since brief naman yung ibinebenta ko, so… normally they will request,” sabi ni Jayden.

“Or demand na isuot ko para they also know how it will look pag suot nila.”

Ang binibiling underwear, iyong naisukat na niya?

“Yes po! That’s the funniest thing…”

Tumaas ba ang sales ng underwear sa Tiktok account ng Bench dahil sa online selling niya?

“Based from one of the teams ng Bench apparel, yes daw po, tumaas daw because of me,” malumanay na saad ni Jayden.

“Hindi ko naman po sa pinagmamayabang pero sa kanila na rin po kasi, so yes po.”

Tinututukan ng avid viewers ang kanyang mga pa-Santolan station. Tinitingnan na lang iyon ni Jayden na positive.

“So what I feel is I’m really grateful that I’m that attractive to them…” pagmamatwid ni Jayden.

“And I’m also thankful kasi hindi sila nagsasawa sa akin kahit ako lang nang ako ang nakikita nila.”

SHOCKING COMMENTS FROM NETIZENS

Anong comment ng viewers ang ikinagulat niya nang lubos?

“Na may ginagawa raw po sila during the live selling, private thing, personal thing,” pagsisiwalat ni Jayden.

“Ginagawa nila yung live ko as…”

Frankly speaking, pinagparausan siya?!

Tumango si Jayden, “Yes po.” Anong comment niya?

“Natawa lang. Natawa na lang po ako. And yun, siguro thankful na rin. Kasi nakatulong sa kanila,” pagngiti ni Jayden.

“Wala naman po akong magagawa, kasi hindi ko kontrol ang isip nila.”

Conservative ba siya gaya ng mga kapamilya niya?

“Medyo tumatanda na po ako, so medyo nag-o-open up na rin ako sa ganyan. And that’s really normal,” pananalig ng 27-anyos na si Jayden.

“What really is not normal is yung hindi mo alam kung saan siya ilulugar.”

May pagka-exhibitionist ba siya? Nae-enjoy niya na ipakita sa mga tao ang kanyang katawan?

“Not really, but since I’m doing ahhh… since that job is really fun and enjoyable…”

Inamin ni Jayden na marami siyang natanggap na indecent proposal sa online selling.

“Ang pinakamatinding offer, siguro aabot ng half M. Half M, pero siyempre madaling magsalita, and I’m not really fond of it,” seryosong pahayag ni Jayden.

“So yan, bina-brush up ko lang and move forward lang. Diyan din po nanggaling ang advocacy ko which is personal talaga.

“This caused me trauma before… personal siya, it’s really personal for me. That’s why I came up with this advocacy na rin.

“Siya din yung napapanahon. Napapanahon siya.”

JAYDEN’S PRIVATE PICTURES

Ano ang adhikain ni Jayden?

“Social media management, responsible use of social media due to lack of knowledge of people on how to really use it,” tugon ni Jayden.

“I was a victim… my private pictures spread without my consent.”

So, siya talaga iyong nasa mga litratong patuloy na kumakalat online noong kasagsagan ng pandemya?

“Yes, aminado po ako since lahat naman ng tao, nagkakamali. And what’s really important is, paano tayo babangon.”

Paano kumalat ang private pictures niya?

“Ex ko po yung nagpakalat.”

Kinasuhan ba niya ang kanyang ex-girlfriend na taga-Batangas?

“We tried to report it, or just to…”

Bakit ginawa iyon ng kanyang ex? Revenge?

“Siguro, siguro po.”

Bakit may ganoon siyang pictures?

“Siyempre po, lahat naman tayo, dumadaan sa pagkabata, exploring. Since partner ko naman po siya, parang there’s no worry…”

Mabuti at nakabangon siya matapos ma-trauma.

“That was the biggest trauma of my life.”

Ano ang sinabi ng kanyang pamilya sa pagkalat ng private photos niya?

“This is the first time that they’ll know this issue. Kasi, ako po yung tao na hindi masyadong ma-share sa family ng problems.

“And yun, kinimkim ko lang po. And dahil nga po I’m scared na ma-judge din sila by other people since they are known as religious and we are a conservative family, I don’t want to give some bad image for them.”

Natakot ba siyang makipagrelasyon muli?

“Hindi naman po. Because ahhh as I’ve mentioned earlier, I’m looking positively sa mga bagay-bagay, and hindi naman dahil nagkamali ka dun sa tao, magkakamali ka na rin sa kasunod.”

MR. GRAND PHILIPPINES 2024 CANDIDATES

Confident si Jayden sa pagrampa nang naka-underwear sa Vernissage show ng Bench, maging sa press presentation ng Mr. Grand Philippines 2024.

Ibig sabihin, burado na ang trauma na idinulot ng pagkalat ng kanyang private pictures.

“Wala na po siya, kasi during that time, dun ko na-realize na magpapa-stuck na lang ako sa ganitong condition, walang mangyayari sa akin,” lahad ni Jayden.

mr. grand philippines 2024 candidates

Rumampa ang mga kalahok sa press presentation suot ang Locco Locco underwear ng Vivamax hunk actor na si Nico Locco.

Rumampa ang mga kalahok sa press presentation suot ang Locco Locco underwear ng Vivamax hunk actor na si Nico Locco.