May relasyon na ba sina Kyline Alcantara at Kobe Paras?
Ito ang tanong ng netizens matapos mapanood ang viral holding-hands-while-walking (HHWW) video nila na kumalat sa social media nitong Martes ng gabi, June 25, 2024.
Karamihan ng mga nagkomento sa video ay nagsabing “bagay sila” bilang pagtukoy kina Kobe at Kyline.
Ayon sa impormante ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nakunan ng source ng video sina Kobe at Kyline na magka-holding hands habang naglalakad sa may Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig.
Tila galing daw ang dalawa sa isang bar doon.
Photo/s: Courtesy: Joan Valenzuela
Kinumpirma naman ng isang vlogger na galing nga sa isang bar ang dalawa.
Sabi nito sa caption, “Kyline Alcantara spotted na lumalabas at ka holding hands si Kobe Paras. Falling in love all over again. Can’t keep calm when I’m crazy for you. @itskylinealcantara @_kokoparas”
NETIZENS REACT
Marami namang netizens ang nagpakita ng suporta kina Kobe at Kyline:
KYLINE-KOBE DATING RUMORS
Noong May 19, 2024, nagsimulang pag-usapan kung may namamagitan kina Kyline at Kobe.
Ito’y matapos mapansin ng mapanuring netizens ang pagkakahawig ng larawang ipinost nila sa kani-kanilang Instagram account.
Nag-post si Kyline sa Instagram ng mga larawang kuha niya, habang siya ay kumakain. Kabilang sa in-upload niya ang larawan ng mga chef sa loob sa isang kilalang restaurant sa Makati City.
Tanging smiling face with hearts emoji ang inilagay na caption dito ni Kyline.
Ang interior ng restaurant na kinainan niya ay nahahawig naman sa Instagram Stories na ipinost ni Kobe noong araw ring iyon.
Makikita rito ang picture ng nakatayong chefs sa kitchen area habang may dalawang wine glass at bulaklak sa lamesa.
Walang kahit na anong caption na inilagay si Kobe.
Dahil dito, marami sa tagahanga ng dalawa ang natuwa sa posibleng relasyon mayroon sila, gayong sina Kyline at Kobe naman daw ay parehas single ngayon.
Unti-unti namang nakukumbinsi ang netizens na may espesyal ngang namamagitan sa Kapuso actress na si Kyline at basketball player na si Kobe.
Matapos ang hinihinalang dinner date nila noong May 19, 2024, noong May 30, 2024, naman ay muling naintriga ang netizens nang mag-comment at i-repost ni Kobe sa kanyang Instagram Stories ang bagong upload na picture ni Kyline sa Instagram.
Sa mga litrato, makikita si Kyline na nakasuot ng gray romper short habang nakaupo sa isa ring gray couch.
Sa comments section ng post na ito ni Kyline, kapansin-pansin ang pagkukomento ni Kobe ng smiling face with heart-eyes emoji.
Ni-repost din ni Kobe sa kanyang IG Stories ang nasabing post ni Kyline.
Wala siya ibang inilagay rito kundi white heart emoji.
News
The Untold Truth Of What Happened To Jean Claude Van Damme
Jean-Claude Van Damme: The Untold Truth of a Hollywood Icon Jean-Claude Van Damme, often hailed as “The Muscles from Brussels,” achieved global fame in the 1980s and 1990s with a string of action-packed blockbusters. From “Bloodsport” to “Universal Soldier,” his…
Cynthia Carrion Reveals What’s Really Behind Carlos Yulo’s Feud with His Mother?
Cynthia Carrion, President of the Gymnastics Association of the Philippines (GAP), is stepping in to mediate a family rift involving two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo and his mother, Angelica Yulo. This intervention comes amid heightened tensions and public scrutiny…
HOT: Andrea Brillantes has a new boyfriend, more surprisingly, he is someone very well known
Attention, #KyDrea fans! It looks like there’s a possibility of a friends-to-lovers arc in Andrea Brillantes and Kyle Echarri‘s relationship. Kyle Echarri says he’s “open” to exploring a relationship with Andrea Brillantes In a recent interview with the press, Kyle was asked if…
Kobe Paras, binati si Kyline Alcantara sa kaarawan nito
– Kobe Paras posted a sweet greeting for Kyline Alcantara on social media – It can be recalled that Kyline recently celebrated her 22nd birthday, a special day that she welcomed in New York – The actress is in the…
Kyline Alcantara shares her feelings about Kobe Paras: “I feel like …”
Tumanggi ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara na sagutin ang tanong kung ano ang tunay na namamagitan sa kanila ng basketbolistang si Kobe Paras. Giit ng aktres, karapatan niyang tumangging sumagot at magpaliwanag sa publiko pagdating sa kanyang love life. Ito ay…
Lolit Solis, sinabihan si Kobe Paras kung kanino siya bagay nang magkita sila
– Lolit Solis recently penned a lengthy message about meeting Kobe Paras – During their meeting, Lolit told Kobe he would match well with someone who had the same level as Sharon Cuneta and Kris Aquino – The veteran writer…
End of content
No more pages to load