Hiwalay na ang Kapuso stars na sina Barbie Forteza, 27, at Jak Roberto, 31, matapos ang pitong taong relasyon.
Kinumpirma ito mismo ni Barbie sa pamamagitan ng isang Instagram post ngayong Huwebes, January 2, 2025 — isang araw matapos ang Bagong Taon.
Sa kanyang madamdaming post nitong bandang 6 P.M., mahihinuhang walang sama ng loob si Barbie sa paghihiwalay nila ni Jak.
Nakuha pa niyang purihin ang dating kasintahan at sabihing naging masaya siya sa kanilang naging pagsasama sa loob ng pitong taon.
Sinimulan ni Barbie ang kanyang announcement sa pamamagitan ng isang quote mula sa American children’s author na si Theodor Seuss Geisel a.k.a. Dr. Seuss.
Bungad ng Kapuso actress, “’Don’t cry because it’s over. Smile because it happened’ – Dr. Seuss.”
Photo/s: Sany Chua
BEAUTIFUL GOODBYE
Kasunod nito ay ang pagsusuma ni Barbie sa seven-year relationship nila ni Jak.
Papuri ng aktres sa dating nobyo: “Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.
“Your love was exceptional.
“But sometimes, good things fall apart so better things can come together.
“Beautiful goodbye, @jakroberto”
Dagdag pa ni Barbie, “Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve.
“I hope for everyone’s understanding and I wish you can help us put this matter to rest.”
Walang binanggit na detalye si Barbie kung ano ang dahilan ng breakup nila ni Jak.
Ikinabigla ng marami ang anunsiyong ito ng aktres dahil noong Disyembre 2024 lamang ay magkasama pa silang nagdiwang ng kaarawan ni Jak.
At anim na linggo lamang ang nakararaan ay ipinagdiwang naman nina Barbie at Jak ang kanilang “monthsary,” kung saan nagpalitan pa sila ng “I love you.”