Marian Rivera is radiantly beautiful at the movie premiere

Na-enjoy ni Marian Rivera ang pagdalo niya sa Milan Fashion Week. Pero bahagi lang daw ito sa campaign ng iniendorso niyang beauty product na Kiko Milano.

“Kasi nagpunta ako dun for Kiko Milano. Pinatawag ako kasi may project kami na gawin. Tapos, ginawa namin yung next campaign namin sa Milan,” pakli ni Marian nang sandaling nakatsikahan ng PEP Troika sa premiere night ng pelikula niyang Balota noong Biyernes, Oktubre 11, 2024.

Sa October 16 na ang showing ng pelikula sa mga sinehan.
Sinundan namin ng tanong kung dadalo ba siya uli sa susunod na fashion week sa Milan, Italy.

Marian Rivera at Milan Fashion Week

“Tingnan natin, pero alam ko sa iba naman ako pupunta, dun yung campaign din,” sabi nito.

Marian Rivera at Milan Fashion Week
DINGDONG DANTES PROUD OF BALOTA
Sobrang proud si Dingdong Dantes sa pelikulang Balota, na nagbigay ng Cinemalaya Best Actress trophy sa kanyang asawa.

Katabla ni Marian si Gabby Padilla para sa Kono Basho.
Tamang-tama lang ang pelikulang Balota na maipalabas pagkatapos mag-file ng mga kandidato ng kanilang Certificate of Candidacy (CoC) para sa midterm elections.

“Dapat manood sila ng Balota. Sana, maraming makapanood,” napangiting pakli ni Dingdong.

dingdong dantes balota premiere

Star-studded ang premiere night ng Balota na ginanap sa Gateway Cineplex noong Biyernes, October 11, 2024.

Magkakasabay na ipinalabas ito sa tatlong sinehan para ma-accommodate ang mga fans na dumalo.

balota premiere

Suportado ito ng Kapuso stars at GMA executives na pinangunahan ni Atty. Annette Gozon-Valdes.

Kapansin-pansin ang showbiz couples na dumalo at pinanood ang pelikula. Nandoon sina Kyline Alcantara at Kobe Paras, Jerald Napoles at Kim Molina, Ruru Madrid at Bianca Umali, at Kate Valdez at Fumiya Sankai.

balota premiere

Namataan din namin doon si Ivana Alawi kasama ang kapatid niyang si Mona Louise Rey.

POKWANG DENIES POLITICAL PLANS
Isa sa pinakamaagang dumating ay si Pokwang na talagang tinapos ang pelikula.

Natawa na lang ang Kapuso comedienne-TV host nang tinanong kung bakit hindi natuloy ang pag-file niya ng CoC. Naging usap-usapan kasing tatakbo rin daw si Pokwang na konsehal sa Antipolo.

Pero itinanggi niya ito. “Hindi!” mabilis niyang sagot nang tinanong namin kung papasukin ba niya ang pulitika.

Pero noon pa man ay marami na raw ang kumakausap sa kanyang tumakbo.

“Dati pa, mga 2007. Pero hindi, e, hindi ko linya yan. Ayoko!’ pakli ni Pokwang.

Wala raw talaga sa isip niyang maging pulitiko, kaya noon pa man ay kinukumbinsi na raw siyang tumakbo.

“Wala, e. Puwede ka namang tumulong nang hindi ka nakaposisyon, di ba? Pero okay lang yan. Blessed naman ako sa buhay, nakakaluwag-luwag, ika nga.

“Puwede ka naman tumulong kahit sa maliit na paraan, di ba? Nang hindi ka papasok sa…. sa akin lang yun, ha?

“Pero kung sa tingin ng iba na mas malawak yung maibibigay nilang tulong kung nakaposisyon sila, why not? Karapatan nila yun.

“Pero ako, okay na ako. Ayoko na,” sabi pa ni Pokwang.

pokwang balota premiere
Bida sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pelikulang Rewind na topgrosser ng 49th MMFF, at pinakamalakas na pelikula sa kasaysayan ng pelikulang Pinoy (hindi adjusted sa inflation).
Ang Balota na pinagbidahan ni Marian ang topgrosser ng Cinemalaya XX noong Agosto.

THREE LOCAL MOVIES TO OPEN ON OCTOBER 16
Kasabay ng Balota na magso-showing sa local cinemas sa Oktubre 16, Miyerkules, ang sensual movie nina Lovi Poe, Jameson Blake at JM de Guzman na Guilty Pleasure; pati na ang Crosspoint nina Carlo Aquino at Takehiro Hira.

Sa tatlong pelikulang iyan, pakiwari ko’y ang Guilty Pleasure ang mas tatangkilikin ng moviegoers.

Ngayong 2024 ay isang pelikula pa lang ang tinangkilik nang lubos ng Pinoy moviegoers, ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto na Un/happy For You.

Sa Nobyembre 13 ay nakatakdang ipalabas na ang Hello, Love, Again starring Kathryn Bernardo.

Sequel ito ng KathDen movie na Hello, Love, Goodbye na siyang record-holder before bilang pinakamalakas na Pinoy movie sa domestic at worldwide gross — bago kinabog ng Rewind.

Sa Disyembre ay golden edition na ng MMFF, at inaasam nating lumampas muli sa PHP1B ang total gross ng official entries sa duration ng two weeks, Disyembre 25, 2024 hanggang Enero 7, 2025.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News