Marian Rivera Talks About Her Experience Attending Daughter Zia Olivia Rodrigo’s Concert

Nag-viral ang video kung saan nanood ng Olivia Rodrigo concert ang panganay na anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia Dantes.

marian rivera daughter zia olivia rodrigo concert

Sa kumalat na video, na in-upload mismo ni Marian, ay makikitang excited na kumakaway si Zia sa kinaroroonan ni Olivia.

Kahit malayo ay nakita ni Olivia ang pagkaway ni Zia at sinabing, “Hi up there!” sabay turo sa kinaroroonan ng eight-year-old daughter nina Marian at Dingdong.

Hindi naman mapagsidlan ang kasiyahan ni Zia, na kinikilig na sinabi kay Marian, “Mama, she said hi to me.”

Karamihan ng mga komento sa video ni Zia ay positibo.

Natuwa rin ang netizens na hindi sa VIP section nakaupo si Zia, na kasama sina Marian at Dingdong.

Ibig sabihin nito ay hindi ginamit ng popular celebrities ang kanilang impluwensiya para makakuha ng mas magandang seats, lalo na’t standard na PHP1,500 lang ang presyo ng tickets sa concert ni Olivia na ginanap sa Philippine Arena, sa Bulacan, nong October 5, 2024.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Marian bago ang red-carpet premiere ng pelikula niyang Balota noong Biyernes, October 11.

Dito ay ikinuwento ng Kapuso actress kung paano siya nakakuha ng tickets para sa concert.
“Actually, yung pagbili nga, di namin alam kung makakakuha kami, e. Kasi, di ba, random yun tapos maghihintay ka?

“So, nagbakasakali kami. E, pinalad naman.

“E, di okay. E, di pila. E, di hintay. E, di upo. Alam mo yung ganun? Yung tipikal,” sabi ni Marian.

Dagdag pa niya, hindi naging problema sa kanya ang pagpila nang mahaba para makapunta sa naturang concert ang panganay na anak.

“Kasi ginagawa namin ito for her, e. Kasi request niya talaga ito dati pa.”

Supportive parent daw si Marian sa dalawang anak niyang sina Zia at Sixto.

Saad niya, “Hindi puwedeng walang freedom. Kailangang palaging may freedom, pero kailangan iga-guide mo parin kasi hindi lahat ng freedom, tama.”
MARIAN’S PARENTING STYLE
Ipinaliwanag din ni Marian ang kanyang parenting style.

“Mahigpit-higpit din naman pero wag namang sobra. Malambing kasi ako maghigpit. Hindi ako yung harsh mom.

“Medyo harsh lang siguro sa pagsasalita dahil Caviteña? Pero yung proseso?

“Kasi all the time, andiyan ka, support mo siya, lahat ng kailangan niya gagawin mo para sa kanya,” sabi ni Marian.

Naiiintidihan naman daw ng mga anak niya kung bakit kailangang maging mahigpit.

“Matalino yung anak ko, alam niya kung gaano ko siya ka-love.

“At alam niya pag may mga bagay na hinihigpitan siya, alam niya kung bakit.

“At very transparent kami ng anak ko, e. Ine-explain ko sa kanya kung bakit kailangang gawin ito,” saad ng aktres.
BALOTA NATIONWIDE SCREENING
Kilig naman daw ang naramdaman ni Marian nang malaman niyang magkaka-nationwide screening na ang Balota, ang indie film niyang ipinalabas sa Cinemalaya noong nakaraang Agosto.
Sa Balota, gumanap si Marian bilang Teacher Emmy, na naging biktima ng political violence sa isang eleksyon.

Nanalo siyang best actress sa 2024 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival dahil sa pelikulang ito.
“Nakakakilig. Kasi sabi ko, bakit ngayon lang? Dapat after, di ba?” sagot ni Marian sa tanong ng PEP.

Pero naiintidihan niya raw kung bakit bahagyang na-delay ang wide release ng Balota dahil nga nag-premiere muna ang pelikula sa 44th Hawai’i International Film Festival noong October 6.

“Kasi si Hawai’i, ayaw nila na mauna dito sa Manila. Kailangan dun muna sa kanila,” sabi ni Marian.

Pagpapatuloy ng Kapuso Primetime Queen, excited na siyang makita ng mas nakararami ang pelikulang pinaghirapan niyang gawin.

Sa October 16 ang simula ng nationwide screening ng Balota.
UNGLAMOROUS ROLE
Bago kasing experience para sa kanyang hindi glamorosa ang hitsura niya sa isang pelikula. Ito raw kasi ang ni-require ng direktor ng Balota na si Kip Oebanda.

marian rivera balotaMarian Rivera in Balota
“Sabi ko, masarap palang gumawa ng isang pelikula na hindi ko iniisip ang hitsura ko.

“Kasi bago ko tanggapin ang requirements talaga ni Direk is no make-up, simula hanggang umpisa hanggang dulo, ha? Gusto niya ganun. Very raw.

“Tapos no double din talaga,” saad niya.

Pero kahit ganun ang requirements ng shooting ay di ito naging hadlang kay Marian para tanggapin ang Balota.

Paliwanag niya, “Actually, wala nga sa schedule, e. Pero nung ni-ready nila sa akin, pinasa yung script, nagpunta sina Direk sa akin, in-explain nila, parang may spark?

“Di ko alam, e, parang, di ba, pag meron tayong gusto at parang may light na naramdaman. Parang sabi ko, ‘It’s a sign. Gawin ko kayo ‘to?’

“And then sabi ko, ‘Give me the script, basahin ko.’

“Nung binasa ko yung script, sabi ko, ‘Oh my god, something new for me. Gawin ko to,” paliwanag niya.

marian rivera balota premiere

Marian Rivera (center) with Balota director Kip Oebanda (left) and co-star Sassa Gurl (right) Photo/s: Mark Angelo Ching
Kuwento pa ni Marian, mas na-inspire tuloy siyang gumawa pa ng maraming indie films.

“Sabi ko, yes, as long as maganda yung pelikula, at maganda yun mensahe,” aniya.

Gayunpaman, hindi niya iniisip kung ano ang mga role na puwede niya pang gawin sa mundo ng indie movies.

“Naku, yung Balota nga, di ko naisip na yan pala ay isa sa mga gusto ko, e.

“Siguro mas maganda na pag may offer, kung ano yung character, na wala sa expectation ko. Siguro mas maganda yun kesa sa pinaplano,” saad ni Marian.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News