Sa pamamagitan ng Instagram post ni Lolit Solis, ibinuking nitong girlfriend na ni Kobe Paras ang kasalukuyang nali-link sa kanyang si Kyline Alcantara.
Ito ay matapos pagsabihan ni Lolit ang anak nina Benjie Paras at Jackie Forster na si Kobe na dapat ang maging girlfriend nito ay ka-level nina Sharon Cuneta o ni Kris Aquino.
Hindi inaasahan ni Lolit na naging sagot ni Kobe: wala raw bastusan dahil girlfriend na nito si Kyline.
Nang eksklusibong makapanayam ng PEP.ph (Philippine Portal Entertainmnent) si Kyline sa taping nito ng Kapuso drama series na Shining Inhertitance, noong Huwebes, October 9, sa Cainta, Rizal, inalam namin ang reaksiyon nito sa pahayag ni Lolit.
Pero deadma lang dito ang 22-year-old Kapuso actress.
Nakangiti niyang sabi, “Wala. Wala po akong reaksiyon.
“Wow! I just want to wish everyone well.”
Hindi na nagdagdag ng anumang pahayag tungkol dito si Kyline, na ibig sabihin ay ayaw na niya itong pag-usapan.
KYLINE AND KOBE’S SWEET PHOTOS AND VIDEOS
Inalam ng PEP.ph kung ano ang masasabi ni Kyline sa viral videos at photos ng lambingan nila ni Kobe sa Infanta, Quezon, ilang araw matapos niyang mag-show doon at magbakasyon na rin kasama ang kanyang mga magulang, at ilang kaibigan
Karamihan ng mga komento ng netizens ay magaganda at positibo.
Aniya, “Ha? Talaga po?
“It feels great, kasi wala naman po kaming inaapakang tao.
“It feels great to be loved, and appreciated.
“Actually, ako po, hindi po ako nagbabasa ng comments kasi medyo naapektuhan ako noong first time.
“Now, yeah, masarap po sa pakiramdam.”
Posibleng ang tinutukoy ni Kyline na “first time” ay ang intriga noon sa pagitan nila ng ex-boyfriend na si Mavy Legaspi at sa ina nitong si Carmina Villarroel
Sinasabi pa nga ng iba, na ang impact ng videos at photos nina Kyline at Kobe ay maihahalintulad sa epekto ng ilang sikat na love teams sa showbiz.
Nagtatakang reaksiyon niya, “No way!
“Thank you, thank you, kung ganoon ang tingin nila.
“Actually, most of the videos and photos na ipinakita sa akin ng mga kaibigan ko, hindi po namin alam kung ano ang nangyayari. Hahaha!
“‘Ay, may video pala tayong ganito. Ay, ginawa pala natin ito.’”
At sa naglalabasan nga, nabuking na ang term of endearnent pala nila ay “love,” na sa bibig mismo ito ni Kobe nanggaling.
Patay-malisya namang reaksiyon ng aktres, “Ha? Grabe! Talaga po ba? Parang wala naman po akong narinig.
“Wala. Kayo talaga.
“Ang dami niyong naririnig na hindi ko naririnig.”
kyline alcantara 🌻 on X: “beach please ❤️ #KylineAlcantara
KOBE IS A BLESSING FOR KYLINE
Sa hiwalay na panayam sa kanya ng GMA News entertainment reporter na si Lhar Santiago noong araw ring yun, inalam nito sa kanya kung ano ang masasabi niya sa pagdating ni Kobe sa buhay niya.
Sagot ni Kyline, “Yung pagdating naman niya sa buhay ko, I consider it as a blessing.
“That’s why I feel so lucky. I feel blessed, I feel contended with everyhting that’s happening to me now.”
Hindi kaya pasukin na nito ang mundo ng showbiz katulad ng ama nitong si Benjie Paras?
yon kay Kyline, “Actually, nahihiya pa si Kobe, pero sana po in the future.
“Pero feeling ko po magbabalik muna siya sa pagba-basketball.
“Ini-encourage ko siya, ‘Mag-basketball ka na lang.’
“He’s actually preparing for it, kasi nami-miss din daw niya po.
“And isa din yun sa talent na sobrang pinaghirapan niyang matutunan, at galingan.
“So he’s preparing for it, but I still don’t know kung saang team siya sasali.”
News
Jackie Forster supportive mom to Kobe Paras, his rumored GF Kyline Alcantara
Jackie Forster is going all out in showing her love and support for her son, Kobe Paras, and his rumored girlfriend, actress Kyline Alcantara. This time, Forster took to social media to express her admiration for the two young stars…
KobeKyline sweetly hugs waist in public, attends Marian Rivera’s movie premiere
The much-anticipated premiere of Marian Rivera’s latest movie was not only a star-studded event but also a significant moment for fans and celebrities alike. Held in the heart of Manila, the event drew the attention of the entertainment industry’s finest,…
Fans Curious About Marian Rivera and Kobe Paras’ Relationship
Hindi naman siguro na-offend si Marian Rivera nang tawagin siyang “Tita Yan” ni Kobe Paras sa premiere night ng pelikula niyang Balota. Naganap ito noong hiningan si Kobe ng mensahe para sa aktres at sa pelikula, na magsisimula nang ipalabas…
Vina Morales confirms breakup with boyfriend Andrew Kovalcin
Hiwalay na si Vina Morales at non-showbiz boyfriend niyang si Andrew Kovalcin. Ito ang kinumpirma ni Vina sa panayam niya sa ABS-CBN News nitong Martes, October 15, 2024. Ani Vina, “Wala na kami. I’m back to being single, ready to…
Kyline Alcantara emotionally shares about her mother
Kyline Alcantara shares lesson she learned from her mom: “If I want something, fight and work hard for it even if there are too many rejections along the way.” Read more: Kyline Alcantara catapulted to stardom shortly after signing with…
Kathryn Bernardo, Alden Richards share ‘kilig’ revelations about their closeness
Kapamilya actress Kathryn Bernardo and Kapuso actor Alden Richards, lead stars of the highly-anticipated movie “Hello Love Again,” sat down exclusively with ABS-CBN News during the filming of their movie in Calgary, Canada. Together with their production team, they stayed…
End of content
No more pages to load