POOR Bea Alonzo. Dominic Roque KISSED a Strange Girl in a Bar. The REAL REASON for the Breakup Was He Was Cheating.

Halatang iwas pa si Sue Ramirez na mapag-usapan ang isyu sa kanila ni Dominic Roque.

Kamakailan lang ay spotted sila sa Siargao sa diumano’y isang kissing video. Nasundan pa muli ang sighting sa kanila sa naturang lugar pa rin. Pero nananatiling tikom ang mga bibig nila.

Sue Ramirez spotted kissing Dominic Roque; are they an item?

Sue Ramirez and Dominic Roque spotted kissing in Siargao 
Photo/s: Screengrab @TikTok

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sue Ramirez spotted kissing Dominic Roque; are they an item?

Photo/s: Screengrab @Reddit

Sa ginanap na mediacon ng 2024 MMFF entry na The Kingdom (na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascual kunsaan kasama rin sa cast si Sue), dito siya nagbigay ng maikling pahayag.

Sue Ramirez

Sue Ramirez in The Kingdom 
Photo/s: BTS from The Kingdom
Habang lumalakad paalis ng venue sa Novotel, hindi kami binigo ni Sue nang sabi nga namin, wala nang paliguy-ligoy sa kung ano talaga ang totoo sa pagitan nila ni Dominic.

Ayon kay Sue, “Basta I’m happy. We’re enjoying each other’s company. That’s all I can say for now.

“Thank you po.”

Pero si Sue na rin ang nagdugtong na, “We’ve been seeing each other.”

Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Sue tungkol sa kanila ni Dominic. Si Sue na nanggaling sa limang taong relasyon kay Javi Benitez at si Dominic naman, sa naging break-up nila ng fianceé na si Bea Alonzo.

SUE TRYING HARD NOT TO GET TOO KILIG WHILE WORKING WITH PIOLO

Sa ginanap na mediacon ng The Kingdom, si Sue ay gumaganap bilang si Lualhati, isa sa mga anak ni Lakan (Vic).

Nagkuwento nga si Sue kung paano naman daw magpigil ng kilig kapag ang kaeksena niya ay si Piolo.

“Ako, naramdaman ko bilang artista habang kaeksena si Papa P, chill ka lang. Kumbaga, haharap ka sa kanya pero kunwari, hindi ka kinikilig,” natawang sabi niya.

“I remember si Direk Mike [Tuviera], kasi I have a scene with Papa P, nakausap ko na si Ms. Camille [Montano] sa likod, pagtingin ko, sabi ni Direk Mike sa akin, ‘Ikaw ha! Kunwari pa chill-chill ka lang, pero kilig na kilig ka pala.”

SUE IMMEDIATELY ACCEPTED OFFER TO DO THE KINGDOM

Hindi raw nagdalawang isip si Sue na tanggapin ang pelikula.

“On a serious note, I think, the biggest learning for me as an actor doing this film is complete trust with your co-actors, and also with the production that you’re working with.

“Honestly, selling point talaga nung sinabi na it’s Bossing and Papa P’s movie, I have to be even desperate to say yes.

“Automatically, it’s a yes for me and agad-agad alam ko dahil nandoon ang tiwala ko sa mga kasama ko.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“And of course, I’ve worked with APT many times before. And I know paano sila mag-alaga at mag-ingat sa mga projects na ginagawa nila.

“I have complete and full trust with the people I’ve worked with.”

Ang The Kingdom ay sa direksyon ni Mike Tuviera, sa ilalim ng MQuest Ventures, APT Entertainment at MZet Productions.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News