Noon pa man ay nali-link na si Sanya Lopez, 28, kay Alden Richards, 32, pero ngayon pa lang talaga sila nagkasama sa isang teleserye.

Sanya Lopez on being linked to Alden Richards

Gumaganap na kasintahan ni Alden si Sanya sa ongoing Kapuso primetime series na Pulang Araw.

Star-crossed lovers sila roon dahil sapilitang naging comfort woman si Sanya sa istorya.

“Nakakatuwa nga po na finally, nagkaroon na kami ng project talaga, together ni Alden at dito nga po sa Pulang Araw,” pahayag ni Sanya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pero binigyang-diin ni Sanya na hindi sa kanila ni Alden o sa love story nila bilang si Teresita Borromeo at Eduardo Dela Cruz umiikot ang kuwento.

“Ang sabi ko nga, sa Pulang Araw kasi, hindi talaga ito yung sa amin. Hindi talaga ito romantic, hindi siya love story.

“Ang ginagawa po namin sa Pulang Araw ay talagang sa mga unsung heroes natin.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“At yun nga po, nabigyan tayo ng pagkakataon. Pero sa ngayon po kasi, medyo sandali lang ang mga eksena namin.

“Pero nakakatuwa na si Alden, todo rin sa tuwing may eksena.”

Kahit na hindi pa man talaga sila nagkakatambal ni Alden noon, may ilang pagkakataon na nakita silang magkatabi off-cam, tulad sa kanilang Sunday variety show na All-Out Sundays.

No photo description available.

Nababanggit din ni Sanya sa mga interviews na isa si Alden sa gusto niyang maging leading man.

Dahil sa mga sightings at interviews na ito, samu’t saring pambabash na ang natatanggap ni Sanya.

Ngayon ba, wala na o kumonti na ang mga bashers?

“Parang dumami sila,” natawa pa rin niyang lahad.

“Pero ako naman, naiintindihan ko. Kasi, naging fan din ako.

“Siguro kung ako rin na nandoon sa situwasyon na may sinusuportahan, na sa tingin ko yun ang tama, siguro yun din ang gagawin ko.

“Kasi, feeling mo kapag meron kang ina-idolize, feeling mo sila lagi yung tama, which is, okay lang naman, as long as wala kang inaapakan, wala kang inaagrabyado.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit siya patuloy na binabash pagdating kay Alden, gayong malinaw na onscreen lang naman ang teamup nila? Maliban na lamang kung meron silang nakikita off-screen?

“Ha? Wala, wala naman,” natatawa pa ring sagot ni Sanya.

Sanya Lopez and Alden Richards in a rare sweet episode on Pulang Araw

Sanya Lopez and Alden Richards in a rare sweet moment on Pulang Araw 
Photo/s: Screengrab from GMA YouTube

SANYA LOPEZ ON entertaining suitors

Sa Pulang Araw, sapilitang naging comfort woman si Sanya matapos siyang abusuhin ng Japanese military leader (Dennis Trillo) na matagal na may paghanga sa kanya.

Pero sa totoong buhay ay NBSB o no boyfriend since birth ang aktres.

Kaya ang tanong sa kanya ng PEP, hindi kaya lalo siyang matakot magmahal dahil sa ideya na may mga mapang-abusong kalalakihan?

Sagot ni Sanya, “May mga ganoon pong sitwasyon ‘no?

“Siguro huwag lang tayong makahanap ng ganoong klaseng lalaki kasi, umpisa pa lamang ay naniniwala na ako na nagpapakita na ng kahit konting red flag ang lalaki.

“So doon pa lang, dapat na maingat ka na, warning na iyon. Kapag tinuloy mo pa, matatalo ka.”

Paglilinaw rin ni Sanya tungkol sa kanyang pagiging NBSB, “Actually, yang NBSB na yan, feeling nila, no boyfriend since birth, hindi ako naniniwala.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero siyempre, may mga ine-entertain din naman tayo. May mga manliligaw rin naman.”

Kaya ba hindi natutuloy sa relasyon ang mga nanliligaw sa kanya dahil may mga nakikitang siyang red flag dito?

Natatawang sagot niya, “No comment!”

Dagdag niya, “Siyempre sa ngayon, sabi ko nga po sa inyo, hindi ko alam kung sa akin ba may problem na sobrang happy lang ako at nag-eenjoy ako sa ginagawa ko.

“Hindi ko talaga siya hinahanap.”

At saka natatawang sinundan ng biro na, “Ako ang hinahanap nila.”

Alden Richards and Sanya Lopez Relationship on GMA's Countdown | TikTok

SANYA LOPEZ ON PLIGHT OF COMFORT WOMEN

Ang karakter ni Sanya sa Pulang Araw na si Teresita Borromeo ay naabuso at ginahasa nang paulit-ulit.

Umaani si Sanya ngayon ng papuri dahil sa kanyang pagganap bilang isang comfort woman.

Pero hindi niya maiwasang maging emosyonal kapag napag-uusapan ang mga pinagdaanan ng tunay na comfort women noong World War 2.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Bago gawin ni Sanya ang teleserye ay nakausap niya ang dalawa sa naging comfort women noon.

“Nakakalungkot po dahil dalawa na lang sila,” saad niya.

Aminado si Sanya na bagamat alam niya na may mga naging comfort women, talagang nalaman na lang daw niya ang totoong nangyari nang gawin niya ang Pulang Araw.

“Naririnig ko lang po siya, pero siyempre po, bilang kabataan, hindi po tayo gano’n ka-aware.

“Sabi ko nga, ngayon ko lang nakikita ang bigat at hirap ng sakripisyo ng mga kababaihan noon.

“Maganda po ngayon na visual na napapanood ng mga kabataan. Nagiging aware na sila sa kung ano ang nangyari sa ating history.

“At isa nga po ito sa masaklap na nangyari sa ating mga kababaihan. At nandito lang po kami para maging boses, ito pong Pulang Araw sa kanila.”

Naimbitahan si Sanya sa ginanap na Pandesal Forum sa 85-year-old Kaminung Bakery, kung saan nakasama niya ang iba’t ibang grupo na lumalaban pa rin para magkaroon ng hustisya ang mga naging biktima ng mga Hapon noon.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Yung iyak at emosyon ni Sanya sa ginanap na forum ay para bang personal na siya mismo ang nakaranas ng mga pinagdaanan ng comfort women sa giyera.

“Yun nga po, sinabi ko nga po ito kanina na artista lang naman po ako para maramdaman ko.

“Siguro po, noong nagkukuwento na sila sa akin, ang bigat-bigat po. Wala po yata akong ginawa noon kundi ang umiyak lang.”

Lads - SPARKLE HOMEGROWN SUPERSTARS ON MAGPAKAILANMAN!😍 ASIA'S MULTIMEDIA  STAR ALDEN RICHARDS AND FIRST LADY OF PRIMETIME SANYA LOPEZ TO STAR IN  UPCOMING EPISODE OF NUMBER 1 SATURDAY PRIMETIME DRAMA ANTHOLOGY,  “MAGPAKAILANMAN”😱😍

Pagpatuloy ni Sanya, “Kasi, parang pag nagkukuwento sila, parang kahapon lang. Sariwa pa rin sa kanila.

“They’re 97 and 92 years old. Parang habang nagkukuwento sila, meron nga diyan, 14 years old lang po, si Lola Narcisa, yung ginawa sa kanyang magulang na binalatan ng buhay na kitang-kita niya. Tapos, sinunog yung pamilya niya. Tapos, dalawa silang magkapatid na naging comfort women.

“Parang ang sakit-sakit lang po na gano’n ang dinanas nila.

“Kaya kanina nga, yun ang tumatak sa akin. Simple lang naman ang kuwento niya na siguro, kung ako yung bata noon sa ngayon, siguro ang saya ko. Yun ang tumatak sa akin ngayon.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Na oo nga, ‘no, ang dami-rami nating problema, pero may mas mabigat pa palang pinagdaanan sa atin.”

Dugtong pa ng Kapuso actress, “Noong pandemic, may kuwento sila na hindi sila nagpa-vaccine at lumalabas lang sila. Nagagalit ang pamilya nila na bakit lumalabas, kasi, matatanda na raw po. Mas malaki ang risk kasi.

“Pero sabi po nila Lola Narcisa, ‘Bakit ako matatakot dito? E, yung mas matindi nga rito, nalagpasan ko. Ito pa kayang COVID lang.’

“COVID lang? E, lahat tayo nagpa-panic noon. I mean, ganoon sila katapang at doon talaga ko sumaludo sa kanila na hindi sila bumitaw sa hirap ng pinagdaanan nila.

“Ngayon ngang napapanood natin, gusto ko ng bumitaw. Tayo lang na normal na nanonood, nararamdaman natin. Ano pa kaya silang nandoon sa situwasyon.”