In-unfollow na rin nina Liza Soberano at Julia Barretto sa Instagram ang kapwa nila aktres na si Kathryn Bernardo.
Noong June 12, 2024, napansin ng ilang mapanuring netizens na wala na ang pangalan ni Kathryn sa following list nina Liza at Julia sa Instagram.
Si Kathryn ang unang nag-unfollow kina Liza at Julia sa hindi pa malamang dahilan.January 11, 2024 nang tanggalin ni Kathryn sina Liza at Julia, at isa pang aktres na si Gillian Vicencio, sa kanyang following list. Kasabay ito ng pag-unfollow niya sa dating nobyo na si Daniel.
Ito na rin ang huling beses na makita sina Liza at Julia na pinapa-follow si Kathryn.
NETIZENS REACT
Dahil sa pag-unfollow nina Liza at Julia kay Kathryn, muling nabuksan ang isyu ng kontrobersiyal na hiwalayan ng KathNiel.
Maging ang matagal na noong palaisipan sa kaugnayan nina Liza at Julia sa breakup nina Kathryn at Daniel.
Ayon sa netizens, imposible raw kasing bigla na lang silang i-unfollow ni Kathryn kung wala siyang natuklasan na ikinagalit niya sa mga ito.
Halu-halong espekulasyon tuloy ang nagsusulputan na, diumano, may kinalaman sina Liza at Julia sa pagwawakas ng labing-isang taong relasyon nina Kathryn at Daniel.
Komento ng isang netizen sa Facebook na nag-post ng screenshot ng pag-unfollow nina Liza at Julia kay Kathryn (published as is): “Grabehan hahahah mga konsintidor cguro yang mga yan.”
Bagay na sinagot naman ng isa pang netizen: “hindi sila konsintidor involve sila kase ksma sila sa flinirt ni daniel pero inignore lang nina julia at Liza si daniel, nagkalabas lang yan lately pero hindi sila naging babae ni daniel nagtry lang si daniel sa knila pero hindi natuloy.”
Liza Soberano and Julia Barretto unfollow Kathryn Bernardo on IG
Photo/s: Screengrab @Facebook
Komento pa ng isa, “Si Kathryn unang nag unfollow sa kanila diba so ok lang yan it’s a tie.”
Liza Soberano and Julia Barretto unfollow Kathryn Bernardo on IG
Photo/s: Screengrab @Facebook
DANIEL-KATHRYN CONTROVERSIAL BREAKUP
Magpipitong buwan na mula nang kumpirmahin nina Daniel at Kathryn na nagwakas na ang labing-isang taon nilang relasyon.
Nag-post ng magkahiwalay na statement ang dalawa sa Instagram noong November 30, 2023, para iparating sa kanilang fans ang desisyon nilang maghiwalay.
Nabaling kay Daniel ang sisi sa nangyaring hiwalayan dahil nagkaroon umano ito ng lihim na relasyon sa aktres na si Andrea Brillantes.
Bukod pa riyan ang pagdikit sa pangalan niya sa iba pang mga babae, dahilan para isipin ng marami na makailang beses niyang pinagtaksilan si Kathryn.
Gillian Vicencio’s name gets dragged into KathNiel breakup
Sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos ay pinili ni Daniel na manahimik at panandaliang magpahinga sa showbiz, samantalang namamayagpag naman ang karera ngayon at tila maging ang personal na buhay ni Kathryn base sa nakikita ng publiko sa social media.
Ilang aktor din ang nali-link ngayon kay Kathryn.
Kabilang na rito ang Kapuso actor na si Alden Richards at ang Kapamilya stars na sina Jericho Rosales at Donny Pangilinan.
News
Unexpected developments in Paulina Sotto and Jed Llanes’ relationship
Mismong si Paulina Sotto na ang nagkumpirma sa publiko na hiwalay na nga sila ng asawang si Jed Llanes. Ito’y matapos pag-usapan kamakailan ang naging post ni Paulina sa Instagram kunsaan sinabi niyang “single mom” na siya. Noong July 17,…
Kyline Alcantara’s family shares their feelings about Kobe Paras
Kyline Alcantara and Kobe Paras went out on a quick beach vacation in Infanta, Quezon. According to Lhar Santiago’s report on “24 Oras,” Friday, they were joined by the Sparkle star’s parents and other important people in their lives. “Masaya…
Kyline Alcantara shares throwback photo with Bea Alonzo, guests her on her latest vlog
Kyline Alcantara shared a throwback photo with Bea Alonzo when she was younger as a teaser for her latest vlog episode featuring the actress. In her latest vlog, Kyline featured Bea and Mavy Legaspi where they had serious conversations about…
Kobe Paras Wasn’t Happy That Kyline Alcantara Wouldn’t Speak Up About Their Relationship
obe Paras has finally addressed rumors surrounding his relationship with actress Kyline Alcantara, leaving veteran talent manager and entertainment columnist Lolit Solis stunned during a recent encounter. Kobe Paras confirms relationship with Kyline Alcantara, shocks Lolit Solis © Provided by…
Kyline Alcantara, Sarah Lahbati and Bea Alonzo still partied together.
ueens support queens—celebrity friends Heart Evangelista, Sarah Lahbati, Bea Alonzo, and Kyline Alcantara, all clad in black-and-white outfits, drank and danced in Apotheka at Poblacion to celebrate Philippines’ beloved drag queen, Marina Summers. Sunday is indeed the new Friday—there’s no…
Kobe Paras How Could He Miss These Amazing Photos By Kyline Alcantara
Kyline Alcantara looks picture-perfect in this ensemble! Sparkle star Kyline Alcantara looks fashionably chic in luxury sports wear as she posed for local fashion magazine L’Officiel Philippines. Last Thursday, October 10, L’Officiel Philippines posted photos of Kyline wearing Lacoste. The…
End of content
No more pages to load