Hindi naman siguro na-offend si Marian Rivera nang tawagin siyang “Tita Yan” ni Kobe Paras, ‘no?

Nangyari ito sa premiere night ng “Balota” nang hingan ng message si Kobe para sa aktres at sa pelikula nitong showing na simula bukas, October 16.

Marian keber na 'tita' ni Kobe

Natawa si Kyline Alcantara na nasa tabi ni Kobe nang marinig ang tawag nito kay Marian,

Sabi ng fans nina Kobe at Kyline, naintindihan tiyak ni Marian na hindi sanay na ini-interview si Kobe lalo na sa harap ng maraming tao. Kita raw na kabado si Kobe nang ibigay ang microphone sa kanya at hingan nga ng message.

Kyline Alcantara and Kobe Paras, with her ate Marian Rivera! Sobrang love nya si ate Yanyan🥰

Hindi nga minasama ng mga fan ni Marian ang pagtawag ni Kobe ng “Tita” sa aktres na baka nga kilala na niya.

Tsika ng mga fan, nagkasama na dati sina Marian at dad ni Kobe na si Benjie Paras sa isang show sa GMA-7 .Baka dinala na ni Benjie sa set si Kobe.

Anyway, nakita sa video kung paano winelcome ni Marian sina Kyline at Kobe sa premiere night, with open arms at all out smiles. May sariling moment din sina Marian at Kobe, parang may pinag-usapan silang dalawa.

Speaking of Marian, matutuwa ang mga influencer na sina Sassa Gurl at Esnyr na kasama niya sa “Balota.” Sinabi nitong gusto pa niyang makasama sa ibang project ang dalawa.

“Baka naman kaya natin serious na project, pero may twist,” pahayag ni Marian na siguradong, welcome sa dalawa.