Content creator Jen Barangan earns the ire of concertgoers and netizens after she captured videos of herself singing while using camera phone flash during the Manila leg of Olivia Rodrigo’s GUTS World Tour.
Humingi ng paumanhin sa publiko ang content creator na si Jen Barangan matapos makatanggap ng kaliwa’t kanang batikos online.

Nag-ugat ito nang manood siya ng sold-out GUTS World Tour concert ng Filipino-American singer-songwriter and actress na si Olivia Rodrigo sa Philippine Arena, sa Bulacan, noong October 5, 2024.

Content creator Jen Barangan apologizes over flash use at Olivia Rodrigo's concert

Maraming netizens ang hindi nagustuhan ang video na in-upload ni Jen sa TikTok noong October 6.

Dito ay mapapanood siyang binibidyuhan ang sarili habang sinasabayan ang pagkanta ni Olivia.

Kapansin-pansin na naka-on ang camera flash ni Jen habang kinukunan ang sarili.

Content creator Jen Barangan apologizes over flash use at Olivia Rodrigo's concert

Giit ng ilang concertgoers, nakaka-distract at nakakasilaw sa mga manonood na nasa likuran ni Jen ang bigla-bigla nitong pagbi-bidyo na bukas ang flash ng kanyang camera phone.

Himutok pa ng iba, labag ang ginawa ni Jen sa concert etiquette. Hindi raw niya nirespeto ang mga kapwa concertgoer na hindi na makita nang maayos ang kanilang pinapanood sa stage dahil sa distraction ng camera flash ng content creator.

Bago magsimula ang isang concert o show ay pinaaalalahanan ang mga manonood patungkol sa tamang paggamit ng gadgets, lalo na kung makakaistorbo ito sa iba.

Sa loob ng teatro o sinehan, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng larawan at video habang ongoing ang palabas o pelikula, lalo na kung bubuksan ang ilaw dahil maaari itong makaistorbo sa iba pang mga manonood.