Sumayaw nang maharot si Troy Montez aka Kid Lopez sa pelikulang Quirido (2012) na pinagbidahan nila ng karelasyon niya noong si Mystica.

querido

Si Mystica mismo ang writer, director, editor, at producer ng nasabing pelikula, na online lang ipinalabas at may mga explicit scenes.

querido
Totoo bang sa gay bar na-discover si Troy? Dati ba siyang macho dancer?“Hindi po nagtrabaho ng macho dancer,” tugon ni Troy sa eksklusibong interbyu ng PEP Troika noong Oktubre 5, 2024, Linggo, sa isang hotel sa Cubao, Quezon City.

“That time po, nagmomodel lang po ako. E, nagkaroon ng audition sa kanya, pinapunta ako ng manager ko.

“Sabi ng manager ko, may pa-audition si Mystica para sa male group ng The Mystic Champs na papasikatin niya. Yun, dun ako nakilala.”

TROY MONTEZ AS ENDORSER
Ano ang ginagawa niya ngayon? Ano ang pinagkakakitaan niya?

Natigilan sandali si Troy bago sumagot, “Ngayon po, ano ako… nakakahiya pero OK lang ba yon? Ha! Ha! Ha! Ayun, balik ako sa pagraraket, yan.

“Kunyari may mga nagpapa-endorse, siyempre natural, nakilala na rin ako, e. So, kunyari may nagpapa-endorse sa akin, ine-endorse ko.

“Yun, tapos binibigyan din ako kunyari ng lifetime supply ng mga product nila. Mga ganun ba, pero may mga pera yun na binibigay.”
Sumasali pa rin siya sa mga bikini contest?

“Sa ngayon po, hindi na ako sumasali, pero why not pagka merong ano uli,” saad ni Troy.

“Kasi marami namang nag-aaya sa akin pero kasi busy na rin. Kumbaga, pinipili ko pa rin yung medyo OK na pagkakakitaan.

“OK naman yung bikini pero sa akin mas OK yung talagang nasa magandang pagkakakitaan. Kasi, tingin kasi ng mga tao pagdating sa bikini, katawan pa rin yung pinapakita mo.

“E, sa akin kasi, puro ako endorse, endorser, mga ganun lang ang ginagawa ko ngayon. Tapos mga guesting, kumakanta. Kumakanta rin ako.”

Kapag nakikita siya ng bading, malamang na naaalala ng mga ito ang kanyang kahubdan sa Querido kung saan meron siyang frontal nudity.

TROY MONTEZ ON PAST RELATIONSHIP WITH MYSTICA
Nahihiya ba siya sa mga ganoong pagkakataon lalo’t ganoon ang tingin sa kanya?

Pag-ayon ni Troy, “Oo nga, ganun nga ang tingin sa akin ng mga ano, mga alam mo na. Hindi naman ako nanlalait, ha?
“Siyempre, ano na, normal na sa akin yun, e. Yung sinasabi nila, ‘Ah, eto yung dyowa ni Mystica! Kumusta na kaya ito, may dyowa na ba ito? May ano na ba ito?’

“Ganun ang ano sa akin, yung sinasabi sa akin. Pero sa akin kasi, sanay na ako, e. Dati pa lang, sanay na ako.

“So ngayon, sa akin, nilalabas ko na lang. Saka pag may namba-bash sa akin sa Facebook account ko or TikTok account, IG, ini-ignore ko na lang para hindi na humaba.”

NOEL FERRER
Pagsisiwalat ni Troy Montez, 22 anyos siya at 44 anyos si Mystica nang magkarelasyon sila. Humigit-kumulang sampung taon din silang nagkasama.
Mas gusto ba niya ang babaeng mas may edad sa kanya, iyong parang nanay na aalagaan siya? O mas OK na sa kanya na bading ang lumandi sa kanya?

Natatawang sagot ni Troy, “Sa akin naman, OK lang kahit ano, basta totoo. Yun lang naman. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Sa akin, walang problema na kahit sino, basta totoo! Totoo lang, ganun! Saka… sa akin kasi, mas ano ako, e.

“OK na rin yung pakisama sa mga bading. OK rin ang mga bading. Kasi, marespeto rin sila, e. Kumbaga, siyempre, pag naghi-heat sila, kahit sino naman, e.

“Di ba? Naghahanap pa rin sila ng kaligayahan. E, siyempre, kaligayahan lang naman yan!

troy montez muscle

“Makita ka na, ‘Ay, si ano! Ganda ng katawan!’ Happy na yon.”

Meron na bang bading na umabuso sa kanya? In-exploit siya, pinagsamantalahan?

“Ahh wala naman po. Walang nangyaring ganun na niloko ako or pinagsamantalahan,” pahayag ni Troy.

“OK naman akong makisama sa mga bading.”

Ibang klase na si Mystica. Ibang klase rin itong si Troy, ano?!
Takot siguro ang mga bading na i-exploit o lokohin si Troy Montez sa laki ng kanyang katawan?

Napangiti si Troy, “Ahh hindi naman. Mas gusto nga ng mga bading yung medyo borta ka. Kasi yun ag mga tipo ng karamihan na bading. Hindi naman lahat, ha? Karamihan lang.”

Afraid siguro ang iba na any moment ay bugbugin niya, ingudngod, iumpug-umpog?

“Grabe naman!”

Meron na bang bading na naumbag niya?

“Meron dati pero eto kasi, talagang may kasalanan siya, e,” pagtatapat ni Troy.

“Nung time na wala pa kami ni Mystica dati, nandun pa lang ako sa poder ng magulang ko, 18 years old, bumibili ako sa tindahan.

“Tapos nung bumibili ako, nagulat ako, may humawak sa baba ko pero hindi ko alam kung sino.

mystica troy montez wedding

“Pagtingin kong ganun, nakita ko siyempre lalaki. Tapos naka-fitted. Tapos ako naman, hindi ako nagsalita. Siniko ko ngayon.

“Tapos sabi ng mga kabarkada ko, bisita daw nila yon. Ano daw yun, pulis daw.

“So ngayon, siyempre, hindi ko rin naman alam na pulis yun saka ba’t siya nanghahawak ng nota? Hindi ko naman siya kilala.

“Siyempre ako naman, nabigla ako. Nasiko ko ngayon. So ngayon, nakatulog. Napunit yung ano ng labi niya pagkasiko ko, tapos natumba.

“So ngayon, nung sinabi na, ‘Bisita namin yan, ba’t mo inano?’ Sabi ko, ‘E nanghawak! Hindi ko naman kilala yan!’ sabi kong ganun.

“Sabi nila, silahis daw yun. Ako naman, parang nagsisi ako na ginawa ko yun. Siyempre, mga tropa ko rin, tropa nila yon.

“Sabi ko, ‘E, malay ko ba! Kasi hindi ko rin alam na tropa ninyo yan!’ Kasi nga, bumibili ako, e. E biglang lumapit, nanghawak.

“Pero nung time na yun, maganda na talaga ang katawan ko nun. Nagdyi-gym na ako nun.”

SEXUAL HARASSMENT ISSUE
Pinag-usapan nitong nakaraang buwan ang panghahalay umano ng mga gay personalities kina Sandro Muhlach, Gerald Santos, Enzo Almario, at unnamed male talent ng TV5.
Ano ang masasabi ni Troy sa mga ganoong kaganapan?

“Yung nangyari na may inabuso? Sa akin kasi, wala pang nangyari na inabuso ako ng bading,” sambit ni Troy.

“Pero sa iba, sa mga… inabuso ba sila? Inabuso? Ano kasi, ganito yun, e… may mga bading kasi na tipong ang ginagawa nila, sinisilaw nila sa ibang bagay.

“Na pinapangakuan, ‘Bibigyan kita ng ganito, punta ka sa ganito.’ Siyempre yun ang kahinaan ng ganung edad na 15 years old.

“Siyempre naman, iisipin nila, ‘Bakit hindi ko susunggaban, e, wala naman akong pagkakakitaan,’ saka bata sila, wala silang magandang trabaho.

“Kumbaga, nag-aaral pa lang sila. So ngayon, siyempre, masisilaw sila. So ngayon, mapapapunta sila dun pag tinawag sila ng bading. ‘O ganito, punta ka dito, may ibibigay ako sa yo.’

“So siyempre, pupunta ngayon yung bata. So, dun na nila ginagawa yung pang-aabuso.”

Normal lang ba sa mga lalaking Pinoy na pumatol sa bading? Minsan, pagbibigyan ang bading para sa kaligayahan nito…

“Sa akin kasi, sa ano ko, ha? Parang normal na kasi yung mga ganyan, e,” saad ni Troy.

“Hindi na bago sa atin yung ganyan. Saka gusto rin nila yan na pumatol sa bading. Siyempre, alam nila na yun ang makakatulong sa kanila.

“Makakaangat sa kanila. Na siyempre, may iba naman na hindi nila kayang tustusan yung pangangailangan nila. Siyempre kakapit pa rin sila sa bading.

“Yun nga lang, maraming bading na niloloko. Pero may mga bading naman na sineseryoso.”