Mismong si Paulina Sotto na ang nagkumpirma sa publiko na hiwalay na nga sila ng asawang si Jed Llanes.

Ito’y matapos pag-usapan kamakailan ang naging post ni Paulina sa Instagram kunsaan sinabi niyang “single mom” na siya.

Noong July 17, 2024, nag-post si Paulina ng litrato niya kasama ang anak na si Sachi, 3, habang sila ay nasa isang museum.

Sa caption ng kanyang post, pahaging na sinabi ni Paulina ang tungkol sa pagpapakatatag niya bilang ina sa kabila ng patuloy na hamon ng buhay sa kanilang mag-ina.

Mababasa sa kanyang caption (published as is), “Navigating a new life chapter as a single mom.

“It’s been a crazy last few weeks with lots of ups and downs, but life goes on.

“Thankful for what the past 10 years have given me—my beautiful daughter. Now on to better things.”

Read: Paulina Sotto reveals she’s now a “single mom”

Bagamat hindi direktang sinabi ni Paulina kung ano ang estado ng relasyon nila ni

Jed, nag-iwan ito ng espekulasyon sa netizens na maaaring sila ay hiwalay na.

Ilang araw ang lumipas matapos pag-usapan online ang kanyang post, nitong Martes, July 23, ay tuluyan nang kinumpirma ni Paulina na hiwalay na siya sa asawa.

Sa pamamagitan ng isang Instagram Story, ni-repost ni Paulina ang nauna niyang post patungkol sa pagiging single mom, kalakip ang kumpirmasyon sa kinahantungan ng relasyon nila ni Jed.

Saad niya: “To clear out any confusion, yes, we are separated.

“This is the last thing I ever wanted for our family, but there are things that cannot be undone.

“Very thankful for all the love and support.”

Paulina Sotto confirms separation from husband Jed Llanes