🚨🔥 Xian Lim NABALI ANG NGIPIN dahil sa pagmamahal kay Kim Chiu 🔥🚨

Xian to Kim: “Ikaw yung maya’t maya, ‘Ano ginagawa mo?'”

Kim Chiu Xian Lim

Xian Lim surprises Kim Chiu with a bouquet of red roses during their weekend getaway at Balesin resort in Polilio, Quezon.
PHOTO/S: Kim Chiu YouTube

Nilaglag ni Kim Chiu, 31, si Xian Lim, 32, na seloso raw itong boyfriend.

Sumalang sa question and answer ang magkasintahan sa vlog ni Kim noong February 20, 2022.

Nang tanungin kung sino sa kanila ang mas madalas magselos, sabay nilang itinuro ang isa’t isa.

“Hindi ako. Ikaw yung sobra,” saad ni Kim.

Itinanggi ito ni Xian.

“Ay, di ako seloso, ha. Wala naman akong ano. Chill lang ako, e,” depensa ni Xian.

Pero kinukuwestiyon iyon ni Kim na nangingiting sabi kay Xian, “Hmmm…”

Dagdag ni Xian, “Ikaw yung maya’t maya, ‘Ano ginagawa mo? Sino kasama mo?'”

Katuwiran naman ni Kim, “Yun lang. Matanong ako.

“Pero sino yung inuumpog yung ulo sa manibela?

“Tsaka natanggal yung ipin niya sa sobrang selos niya! Hahaha!”

Muli itong pinabulaanan ni Xian, habang tawa pa rin nang tawa si Kim.

“Hindi yun selos. Nag-away lang tayo nun. Hindi yun dahil sa selos. Wala akong pinagseselosan,” ani Xian.

Hindi na binanggit ni Kim kung ano ang pinagselosan o pinag-awayan nila ni Xian noong natanggal ang ipin nito pati na sa hiwalay na insidenteng inuntog nito ang ulo sa manibela.

Nagdiwang ang magkasintahan ng Valentine’s Day nang mag-quick getaway sila sa Balesin Island sa Polilio, Quezon.

Sila ay nag-food trip, nag-swimming, at namasyal sa mini zoo sa lugar.

Kuwela pa iyong insidente na tuwang-tuwa si Kim na hawakan ang love birds, habang ang iba pang ibon ay nakapatong sa kanyang ulo para sa photo-ops.

Sabay ipinakita ni Xian na natuka na pala ng love bird ang sombrero ni Kim kaya ito nabutas.

Napangangang sabi ni Kim pagkita niya sa sombrero, “Oh my god! Yung Chanel ko! Di mo sinabi sa akin!”

Tawa nang tawang sabi ni Xian na nagbi-video kay Kim, “Ganyan na talaga yun. Pinaganda nga niya, e. Hahaha! At least may style na!”

Sabi ni Kim na, “Awww… Kaya pala sabi ni Kuya baka maubos na!”

Kim Chiu, Xian Lim

Makikitang nag-enjoy sina Kim at Xian sa kanilang weekend getaway sa Balesin.

Nakapag-workout din sila kahit nasa bakasyon.

Ayon kay Kim, favorite pastime nila ang workout at kumain.

Sabi naman ni Xian, “Pero on our free time talaga, we love driving.”

Sang-ayon ni Kim, “Yes, gusto namin pumunta sa malayong lugar kahit kami lang dalawa.”

Dagdag ni Xian, “It gives us so much joy. Sarap kasi magmaneho ta’s naka-focus lang kayo sa isa’t isa, walang distractions, or anything.

“I think that’s the best feeling in the world.”

Siyam na taon na silang magkasintahan.

Pareho man silang abala sa kani-kanilang trabaho, sinabi ni Xian na madalas silang magkita ni Kim.

Hindi lang daw nila ipinu-post pa ito sa social media.

Si Kim ay nananatiling Kapamilya star, habang si Xian ay gumagawa ng mga proyekto sa GMA-7.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News