Arra San Agustin binahagi ang pananaw tungkol sa infidelity: “Hindi ako option” | LOVE NEWS 2024

Sinabi ni Arra San Agustin na ang mga taong nagloloko sa relasyon ay may kawalan ng seguridad sa sarili.

Ipinayo ng aktres na umiwas sa pakikipagrelasyon kung hindi pa handang maging tapat upang hindi makasakit ng iba.

Ibinahagi niya ang kanyang karanasan na minsang nasabay siya sa isa pang babae ng isang lalaki.

Nilinaw ni Paolo Contis na ang mga kumalat na sweet moments nila ni Arra sa “Eat Bulaga” ay “maliciously edited”.

Ibinahagi ni Kapuso actress Arra San Agustin ang kanyang opinyon hinggil sa infidelity o panloloko sa relasyon, at sinabi niyang may kaugnayan ito sa kawalan ng seguridad ng tao sa kanyang sarili. Sa ‘ArtisTambayan’ na binahai sa GMA News YouTube channel, sinabi ni Arra na ang mga taong nagloloko sa relasyon ay madalas na hindi kontento at naghahanap pa ng iba.

Arra San Agustin binahagi ang pananaw tungkol sa infidelity: "Hindi ako option"
Arra San Agustin binahagi ang pananaw tungkol sa infidelity: “Hindi ako option” (@arrasanagustin | Instagram)
Source: Instagram

“Feeling ko insecure sila sa sarili nila. Kasi parang hindi sila kontento, so hanap sila nang hanap ng iba,” saad niya. Idinagdag pa ng aktres na mas mainam na umiwas na lang sa pakikipagrelasyon kung hindi pa handang maging tapat upang maiwasang makasakit ng ibang tao.

Binigyang-diin din ni Arra ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa damdamin ng iba, aniya, “Dapat ilalagay mo lagi sa isip mo na ‘wag kang tatapak ng ibang tao, ‘wag mo silang sasaktan intentionally.”

Sa parehong panayam, ibinahagi ni Arra na minsan na rin siyang nalagay sa sitwasyong nasabay siya sa iba. Ayon sa kanya, “No’ng nagsisimula pa lang kami, parang mayroon siyang pinagpipilian, dalawa kami. Nang nalaman ko na pinagpipilian kami, sabi ko, ‘no.’ Alam ko ‘yong worth ko na hindi ako option… I’m number 1.”

Samantala, usap-usapan din kamakailan ang sweet moments nina Arra at ng kanyang co-host na si Paolo Contis sa “Eat Bulaga.” Bagamat nagbigay ito ng haka-haka mula sa mga netizen, nilinaw ni Paolo sa isang panayam na ang mga kumalat na video clip nila ni Arra ay “maliciously edited.”

Patuloy na nagpapakita si Arra San Agustin ng tapang at paninindigan sa pagpapahalaga sa kanyang sarili, na nagiging inspirasyon para sa kanyang mga tagahanga.

Si Paolo Contis at Arra San Agustin ay kamakailan lang naging usap-usapan online. Sa TikTok, isang fanpage nila ang nagtipon ng kanilang malalapit na interaksyon sa “Eat Bulaga.”

Nagbahagi si Arra ng isang taos-pusong post tungkol kay Jaclyn Jose, na pumanaw noong Marso 3. Ibinahagi ng Kapuso actress ang screenshot ng lumang mensahe na natanggap niya mula sa yumaong beteranang aktres.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News