CRYING! Coco Martin IBINUKO ang mga sandali BAGO NAMATAY si Eddie Garcia

Coco Martin deeply saddened by death of Eddie Garcia

Coco Martin recalls unforgettable moments with former Ang Probinsyano co-star Eddie Garcia.

Coco Martin mourns the death of veteran actor Eddie Garcia. The two worked together in the Kapamilya teleserye FPJ’s Ang Probinsyano. 
PHOTO/S: Noel Orsal / @mr.cocomartin on Instagram

“Hanggang sa muling pagkikita natin Lo…”

Bahagi ito ng madamdaming mensahe ni Coco Martin sa Instagram para sa katrabaho at kaibigang si Eddie Garcia.

Pumanaw ang beteranong aktor ngayong Huwebes ng hapon, June 20, sa edad na 90.

Sina Coco at Eddie ay matagal nagkasama sa ongoing ABS-CBN prime-time series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Pangunahing bida si Coco bilang Cardo Dalisay, habang gumanap na kontrabida si Eddie bilang Don Emilio Syquia/Señor Gustavo Torralba.

Rumored lovers Coco Martin, Julia Montes pay homage to 'Lo' Eddie Garcia |  Philstar.com

Ipinost din ni Coco sa Instagram ang larawan nila ng batikang aktor.

Sa caption, ibinahagi ni Coco ang nararamdaman sa pagpanaw ni Eddie.

Saad niya, “Diko mapaliwanag ang lungkot at sakit na nararamdaman namin ngayon.

“iniisip ko nalang po na ang Diyos ang may kagustuhan ng lahat ng nangyayari para sa atin.”

Inalala rin ni Coco, 37, ang hindi malilimutang karanasan kasama si Eddie, na itinuring daw siyang kaibigan kahit malayo ang agwat ng kanilang edad. (Published as is.)

“Maraming salamat sayo Lo sa lahat ng ating mga kwentuhan at tawanan at sa ating mga masasayang mga oras na magkasama.

“malayo man ang edad natin pero tinanggap mo ako bilang kaibigan mo.

Robin, Jinggoy, Bong, Coco nagsama-sama para sa Eddie Garcia Law

“Hanggang sa muling pagkikita natin Lo mabuhay ka at alam ko nandito kalang sinusubaybayan mo kami.

“hindi namin kakalimutan ang lahat ng mga pangaral mo para sa amin isakang huwaran ng mabuting tao at mahusay na artista at direktor Mahal na mahal ka namin Lo!!! R.I.P”

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News