MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Muling naging usap-usapan sa social mediasina Dominic Roque at Sue Ramirez matapos kumalat ang bagong video nilang magkasama sa Siargao.
Source: Youtube
Sa pinakabagong episode ng Showbiz Updates nitong Lunes, Nobyembre 18, ibinahagi ng showbiz insider na si Ogie Diaz ang natuklasan mula sa kaniyang source.
“Ayon sa aking source, hindi ko alam kung totoo ito, pero ngayong Nobyembre 18, nasa Siargao ulit si Dominic Roque,” ani Ogie.
Matapos umanong dumalo si Dominic sa block screening ng pelikulang Hello, Love, Again bilang suporta sa kaibigang si Kathryn Bernardo, agad itong bumalik sa Siargao. Samantala, naiwan daw doon si Sue Ramirez, na matagal nang naroroon simula pa noong Oktubre.
Naalala rin ni Ogie ang unang video nina Dominic at Sue na kumalat, kung saan makikita silang magkasama sa isang bar sa Siargao at tila nagkaroon ng saglit na halikan.
Hanggang sa ngayon, wala pang pahayag mula kina Dominic at Sue tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, dahilan upang magpatuloy ang espekulasyon ng mga fans at netizens.
Si Sue ay naging bahagi ng ilang ABS-CBN shows kagaya ng Mula Sa Puso, Angelito: Batang Ama, Annaliza, All of Me, Pangako Sa’yo, at Dolce Amore.
Sa kabila ng mga kontrobersiya ay tahimik lang sina Dominic Roque at Sue Ramirez. Ito ay matapos kumalat ang kissing video nila habang sila ay parehas na nasa Siargao. Sa pag-ingay ng pangalan ng dalawa ay naglabas ng paglilinaw ang ex ni Sue na si Mayor Javi Benitez para linawin na apat na buwan na silang hiwalay ni Sue. Sa kasalukuyan ay dumarami ang sumusuporta kina Dominic at Sue sakali mang maging sila dahil ayon sa kanilang mga followers ay parehas naman silang single at parehas nilang deserve na lumigaya.
Naging usap-usapan sa social media ang nakakatuwang hirit ni Senyora matapos siyang i-follow ni Sue Ramirez sa Instagram. Marami ang naaliw sa naging reaksyon ng internet sensation, lalo na’t binahagi pa niya ang screenshot ng pag-follow ni Sue kalakip ng isang witty na mensahe: “Hindi ka pa nakuntento finallow mo pa talaga ako. Para ano? Ha?? iboblock talaga kitang babaita ka!”
News
Ogie Alcasid, ni-repost ang tribute para kay Mercy Sunnot
Ogie Alcasid reposted a tribute made by @opmsingers for the late Aegis vocalist, Mercy Sunot In his repost, one can see a black and white photo of the Aegis vocalist showing her with a wide smile and eyes that are…
Netizens, kinilig sa pagkasa ng DonBelle sa ‘Funky Town’ dance trend
Donny Pangilinan and Belle Mariano just spread tons of kilig vibes on social media after they hopped on the ‘Funky Town’ dance trend. Earlier, on Tuesday, November 19, Donny took to his Instagram page to upload a new reel featuring his love…
Carlos Yulo, pinarangalan ng isang magazine bilang ‘Athlete of the Year’
– In an interview by Esquire Philippines with Yulo, he said he’d still do his best to get another medal Carlos Yulo/@c_edrielzxs on Instagram Source: Instagram Carlos Yulo was honored as ‘Athlete of the Year’ by Esquire Philippines. The magazine…
Lyca Gairanod, nag-react sa pagpanaw ni Mercy Sunot ng Aegis
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang! Lyca Gairanod is among the celebrities who are grieving over the untimely demise of Mercy Sunot of the Aegis band. Lyca Gairanod (@lycagairanod.1) Source: Instagram The…
End of content
No more pages to load