Dominic Roque at Sue Ramirez SOFT-LAUNCH, mag-on na daw ayon sa source ni Ogie Diaz | LOVE NEWS 2024

Nabahagi ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update sa YouTube ang tungkol kina Sue Ramirez a Dominic Roque na kamakailan ay muling namataang magkasama.

Ani Ogie, ayon sa kanyang source ay mag-on na ang dalawa na ilang beses na ring namataang magkasama sa Siargao. 

Hindi pa man umaamin ay marami sa kanilang fans ang natuwa at sumuporta sa dalawa lalo at parehas naman silang single.

Si Sue Ramirez ay ilang buwan nang hiwalay kay Javi Benitez at gayun din si Dominic Roque at Bea Alonzo

Ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na Showbiz Update ang mainit na balitang mag-on na umano sina Dominic Roque at Sue Ramirez. Ayon sa source ni Ogie, ilang beses na raw namataan ang dalawa na magkasama sa Siargao, na lalo pang nagpalakas sa haka-hakang may espesyal na namamagitan sa kanila.

Dominic Roque at Sue Ramirez, mag-on na daw ayon sa source ni Ogie Diaz
Dominic Roque at Sue Ramirez, mag-on na daw ayon sa source ni Ogie Diaz
Source: Instagram

Bagamat wala pang kumpirmasyon mula kina Dominic at Sue, ikinatuwa ng kanilang mga fans ang balita. Marami ang nagpakita ng suporta sa dalawa, lalo’t pareho silang single matapos ang kanilang mga nakaraang relasyon.

Matatandaang ilang buwan nang hiwalay si Sue kay Javi Benitez, habang si Dominic naman ay matagal nang natapos ang relasyon kay Bea Alonzo. Sa kabila ng mga espekulasyon, nananatiling tahimik ang dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Abangan ang mga susunod na kaganapan sa love life nina Dominic Roque at Sue Ramirez!

Si Sue ay naging bahagi ng ilang ABS-CBN shows kagaya ng Mula Sa Puso, Angelito: Batang Ama, Annaliza, All of Me, Pangako Sa’yo, at Dolce Amore.

Sa kabila ng mga kontrobersiya ay tahimik lang sina Dominic Roque at Sue Ramirez. Ito ay matapos kumalat ang kissing video nila habang sila ay parehas na nasa Siargao. Sa pag-ingay ng pangalan ng dalawa ay naglabas ng paglilinaw ang ex ni Sue na si Mayor Javi Benitez para linawin na apat na buwan na silang hiwalay ni Sue. Sa kasalukuyan ay dumarami ang sumusuporta kina Dominic at Sue sakali mang maging sila dahil ayon sa kanilang mga followers ay parehas naman silang single at parehas nilang deserve na lumigaya.

Naging usap-usapan sa social media ang nakakatuwang hirit ni Senyora matapos siyang i-follow ni Sue Ramirez sa Instagram. Marami ang naaliw sa naging reaksyon ng internet sensation, lalo na’t binahagi pa niya ang screenshot ng pag-follow ni Sue kalakip ng isang witty na mensahe: “Hindi ka pa nakuntento finallow mo pa talaga ako. Para ano? Ha?? iboblock talaga kitang babaita ka!”

Sue Ramirez may pa-soft launch kay Dominic Roque, magdyowa na?

Marami kasing mga netizens ang nakapansin na na tila may pa-soft launch ang dalaga matapos nitong ibandera ang larawa ng aktor sa kanyang Instagram post.

Sa unang tingin ay hindi mo mahahalata na isa si Dominic sa mga taong nasa larawang kuha ni Sue ngunit kapag tinignan itong maigi ay makikita mo ang binata.

Marami tuloy ang naiintriga kung magdyowa na ba ang dalawa dahil muli na naman silang naispatang magkasama at sa Siargao talaga ang kanilang favorite place.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula sa panig nina Sue at Dominic kung ano ang namamagitan sa kanila ngunit marami na sa mga netizens ang nagpakita ng pagsuporta sa dalawa.

Sa katunayan, tinatawag na “DomSue” shippers ang mga netizens na pabor sa pagsasama ng dalawa.

Matatandaang unang pumutok ang chikang may something sa pagitan nina Dom at Sue matapos itong mamataang naghahalikan sa isang bar sa Siargao.

Mabilis ring nakumpirma na sila nga ang nasa video dahil na rin sa kanilang post na parehas silang nasa Siargao matapos ang pag-viral ng naturang video.

Wala namang problema kung tutuusin dahil hiwalay naman na si Sue sa dating karelasyon na si Victorias City Mayor Javi Benitez.

Samantala, matagal na rin namang hiwalay si Dominic sa Kapuso actress na si Bea Alonzo.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News