Lloyd Samartino reveals past experience of SEXUAL HARRASMENT

Lloyd Samartino reveals past experience of sexual harassment

Lloyd Samartino: “I had my share of that when I was starting in the industry…”

lloyd samartino now and then

Lloyd Samartino on sexual harassment at workplace: “Because my mom was so busy, and akala ko naman, you know, basta wala lang nangyari sa yo talaga. Akala ko palulusutin mo lang kasi ganun ang kalakaran, you know. Wala namang nag-explain sa akin na puwede kang magreklamo.” 

Trigger warning: sexual harassment

Inamin ni Lloyd Samartino na may personal na karanasan siya sa sexual harassment sa lugar ng trabaho.

Sikat na matinee idol noong dekada otsenta si Lloyd. Crush siya noon ng marami, mapa-babae man o gay.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), binalikan niya ang naranasang pang-aabuso mula sa ilang taong may posisyon sa ginagalawan niyang industriya.

May mga nagtangka umanong i-harass siya, at mayroon ding nag-offer ng indecent proposal.

Lahad ni Lloyd, “Well, sa totoo lang, I had my share of that when I was starting in the industry, with very big directors pa and producers.

“But anyway, at the time, siyempre pag bago kang artista, hindi mo naman alam ang kalakaran, and you know…

“Fortunately… I mean, I thought, because anak ako ng isang batikang singer, I was protected from that. Pero hindi rin, e, you know.”

Ang ina ni Lloyd ay ang legendary singer-actress na si Carmen Soriano.

Hanggang saan umabot ang aniya’y pang-aabuso sa kanya?

“Well, yung nahalikan yung leeg mo,” bulalas niya, “kasi nalasing yung direktor ko na yun.”

Mabuti na lang daw at nakagawa siya ng paraan para makawala sa alanganing sitwasyong iyon.

Balik-tanaw pa niya: “Sabi ko lang, ‘Mag-CR ako, Direk, sandali lang.’ Then, I got into my car.”

Masuwerte raw si Lloyd na listo siyang mag-isip.

“I mean, in my particular case, wala namang nangyaring masama, kasi marunong naman ako um-exit.

“Pero yung mga inaano ka, kino-corner ka, mga ganyan-ganyan, alam mo na.”

Tinanong si Lloyd kung aktibo pa sa showbiz ang tinutukoy niyang nag-take advantage sa kanya.

Napaisip si Lloyd bago sinabing, “Some are dead.”

Ilan ang nag-attempt sa kanya?

“Many,” sagot uli ng aktor.

Pinakagrabe nga raw iyong hinalikan siya sa leeg.

“Oo, kasi in a party yun, nalasing yung direktor, then hinila ako sa kuwarto, then sabi ko, ‘Direk,’ tapos biglang pinagyayakap ka.”

young lloyd samartino

Young Lloyd Samartino 
Photo/s: Files

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lloyd sa mediacon ng pelikulang Huwag Mo ‘Kong Iwan, na pinagbibidahan nina Rhian Ramos, JC de Vera, at Tom Rodriguez.

Ang direktor ay si Joel Lamangan, producer si Engineer Benjie Austria ng BenTria Productions, at line producer si Dennis Evangelista.

LLOYD SAMARTINO ON KEEPING QUIET ABOUT IT

Hindi raw nagsumbong noon si Lloyd sa kanyang ina na si Carmen.

Bukod sa hindi niya alam kung ano ang dapat gawin, wala pa raw sapat na edukasyon noon kung paano harapin ang sexual harassment.

“Because my mom was so busy, and akala ko naman, you know, basta wala lang nangyari sa yo talaga,” ani Lloyd sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.

“Akala ko palulusutin mo lang kasi ganun ang kalakaran, you know. Wala namang nag-explain sa akin na puwede kang magreklamo.”

Tila may halong takot ding naramdaman noon si Lloyd.

“And lalo na in our case, you know, these are very big directors.

“Hindi naman ito yung mga indie-indie directors. These are big directors,” diin ni Lloyd.

Hindi rin daw bukas na napag-uusapan noon ang isyu ng male sexual harassment.

Lahad ni Lloyd: “You know, wala namang sexual harassment noong araw, e.

“Ang hina-harass noong araw, mga artistang babae, kasi karamihan ng direktor noon, mga action-star directors.

“It was much later na marami nang mga more of the gay directors—although I’m not saying all.

“But these are the ones that have the power, lalo na pag may backers sila na malalaking production houses.”

Ipinaliwanag ni Lloyd na may mga insidenteng ginagamit umano ang sexual favor kapalit ng career advancement sa showbiz.

“So, pag ikaw sinabihan na, ‘Gusto mo ba talaga makasama sa movie na ito?’

“Siyempre, ikaw naman, ‘Of course, Direk. Why not?’ ‘Alam mo, ganito lang yan.’

“Tapos ganito, ganito, ganito na. Then mag-iisip ka, ‘Ganun? Kailangan iyon?'”

ON SAYING NO TO INDECENT PROPOSALS

Sa kaso niya, alam daw ni Lloyd na may option siyang humindi.

“But because I have a little bit of understanding about show business because of my mother, I knew na kaya kong um-exit.

“Kasi hindi lang naman nung nag-showbiz ako, kahit nung nagkukume-commercial ako, kino-corner na rin ng mga casting directors.”

Hindi naman daw tumanggap si Lloyd ng indecent proposals.

“Meron akong istilo na nakaka-exit ako,” ulit niya.

“And you’ve lost some projects because of that, kasi yung iba…

“It was only nung nagkapangalan na ako talaga na medyo umatras na sila, kasi hindi na puwede dahil may pangalan na.

“Pero unfortunately, lahat dumadaan diyan. It’s still happening.”

ON SPEAKING UP ABOUT HARASSMENT

Ani Lloyd, noong kabataan niya sa showbiz ay nangyayari na ang isyu ng sexual harrasment.

Hindi lang daw naibabalita gaano noon, kumpara ngayon na madaling matunugan ng netizens kung may kontrobersiya dahil sa social media.

Ani Lloyd, “Kasi kami, wala namang kami masumbungan noong araw, you know.”

Patuloy niya: “But like I said, hindi lahat ng batang artista alam mo kung anong gagawin.

“Kasi hindi lang naman sa atin, kahit naman sa U.S., meron pa ring casting couch, you know.

“I’m sure maraming hindi lang makapagsalita.”

Kaya raw pabor si Lloyd na napag-uusapan ang sexual harrassment sa workplace.

“I think tama yan, na dapat ilabas para rin yung mga gustong maging managers ngayon, you know how to protect your stars.

“At matakot din yung iba sa inyo na because of social media, lalabas yan.”

Tingin ni Lloyd, mahalagang magkaroon ng tamang impormasyon ukol dito para maprotektahan ang mga artista.

Mahalaga rin daw na humingi ng payo sa mapagkakatiwalaang tao sa industriya kung paano iwasang malagay sa ganoong sitwasyon.

“Kasi nagkakaroon ka ng ibang point of view, then you have an idea.

“Pero kunyari, yung lahat iisipin mo lang, hindi mo malalaman, kasi our industry is a very particular kind of industry

“And because we’re selling image, and sometimes you have to be sexy, you know, akala nila, ganun ka sa totoong buhay.

A lot of them… Ito mas nagsa-suffer ang mga female actresses na nagse-sexy, akala nila ganun ka talaga.

“Hindi nila naiintindihan na iba yung persona mo sa pelikula, iba yung totoong pagkatao mo.”

Ibang kaso naman daw iyong pumapayag sa indecent proposals.

Ani Lloyd, “It can be a very good, lucrative industry if you know how to play the game.”

Sa huli, nasa tao raw talaga kung paano iha-handle ang ganitong klaseng risk sa trabaho ng artista.

But that is something you have to figure out.

“And good luck to everyone who wants to join this industry.

“Open your eyes, open your ears, because it is full of sharks.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News