OMG! OGIE Diaz NAGREAK sa pagrepost ni Liza Soberano sa demanda ni Bea: “I will let her repost it again and again”

“Kung makakatulong sa career ni Liza Soberano yung pagrerepost nya eh di irepost nya nang irepost,” ito ang naging sagot ni Ogie Diaz sa pagrepost ng kanyang dating alaga sa artikulo ng pagsasampa ng kaso ni Bea Alonzo.

Matapos i-repost ni Liza Soberano ang artikulo ng pagsasampa ni Bea Alonzo ng kasong cyber libel, sinabi ni Ogie Diaz na karapatan ito ng kanyang dating alaga.

“Ang dami ngang nag-send ng screenshot sa akin ng repost nga ni Liza Soberano. Sa akin walang problema yun okey lang karapatan nya ‘yun eh, account nya ‘yun, twitter account nya ‘yun, X account nya so karapatan nya ‘yun,” pahayag ni Ogie sa latest episode ng kanyang Showbiz Update.

“Sa akin lang naman, kung makakatulong sa career ni Liza yung pagrerepost nya eh di irepost nya nang irepost. I will let her repost it again and again,” sey pa ni Ogie.

Tinanong din ni Mama Loi si Ogie kung ano naman ang reaksyon nito dahil ini-repost din ng tatay ni Liza Soberano ang naturang artikulo na nilagyan pa nito ng caption na “Yess!”

Liza Soberano hurt by Ogie Diaz's lies about her | PEP.ph

“Hindi ko na siya pinapansin, ganyan na siya sa akin eversince,” ani Ogie bilang pagdedma sa tatay ni Liza.

Nang muling tanungin kung nagtatampo siya kay Liza, sinabi ni Ogie na ang tagal-tagal na niya sa propesyon para magtampo pa sa ganung isyu.

“Basta alam namin ni Liza kung ano ang truth sa aming chapter nung araw…” ani Ogie. “Hindi ko alam kung siya galit sa akin or nagtatampo sa akin or whatever kasi naghiwalay naman kami ng maayos.”

Aniya pa, hangad niyang matupad ni Liza ang pangarap nitong maging sikat at makilala sa Hollywood.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News