Sey mo Bea Alonzo? Kathryn Bernardo dineklarang ‘Movie Queen’ ng henerasyon ngayon | Kathden 2024

Movie Queen’ na nga ang tawag kay Kathryn Bernardo dahil nga sa sunod-sunod na tagumpay na nilikha niya sa takilya.

Oo naman at siguradong wala namang papalag o aangal sa title na `yon ni Kathryn, ha!

Kung noon kasi ay tinawag din si Bea Alonzo na ‘this generations Movie Queen’ pero ngayon nga raw ay walang duda na si Kathryn na `yon, ha!

Well, sa mahigit sampung taon nga raw na nakalipas, nagtala ng nakakalokang record si Kathryn sa takilya.

Na kung susumahin mo nga raw ang lahat ng kinita ng mga pelikula niya, kasama na ang ‘Hello Love Again’ na as of November 23 ay kumita na nga ng P1.06 bilyon, umabot na sa halos P5 bilyon ang hinamig lahat-lahat.

Sa kuwenta nga ng mga netizen, base na rin sa pinost na record ng Star Cinema, talagang mahirap na raw pantayan ang record ni Kathryn.

Bukod nga sa P1.06 bilyon na kinita ng ‘Hello Love Again’, heto pa ang ilang pelikula niya na magpapatunay na siya talaga ang tunay na ‘Movie Queen’ ng henerasyon ngayon.

Ang ‘Hello Love Goodbye’ nga raw ay kumita ng P881 milyon. Ang ‘A Very Good Girl’ ay humamig ng P118 milyon. Habang ang ‘The Hows of Us’ ay kumita rin ng P845milyon.

Hindi rin daw maitatanggi na ang pelikula niyang ‘Three Words to Forever’ na kung saan ay nakasama niya si Sharon Cuneta at Richard Gomez, ay humamig naman ng P104 milyon.

Eh, nandiyan pa ang ‘Can’t Help Falling In Love’ na umabot din sa P320 milyon ang kinita.

At waging-wagi rin naman ang ‘Barcelona’ na may P321 milyon na record sa takilya.

Siyempre, panalo rin ang ‘Crazy Beautiful You’ na may P320 milyon din, ha! At ang ‘She’s Dating the Gangster’ naman ay may P286 milyon din.

Habang ang ‘Pagpag’ na pelikula nila noong 2013 ay kumita rin ng P189 milyon, oh!

At base nga sa inakyat na datung ng mga pelikulang yan ni Kathryn sa mundo ng showbiz, ano pa ba ang dapat itawag sa kaniya, edi ‘Movie Queen’ talaga, ha!

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News