SHOCK! IT’S SHOWTIME HOST Vhong Navarro now being ACCUSED of attempted R.A.P.E by 22-year-old student, KIM CHIU FELT “NERVOUS”

Vhong Navarro’s manager Chito Roño tells PEP: “That is the missing blotter that suddenly surfaced.”

Kahapon, January 24, ibinalita ng ABS-CBN ang pagkakabugbog ni Vhong Navarro (larawan sa taas) ng anim na tao. Ngayong araw, January 25, nakalap ng GMA News ang isang blotter report, kung saan inakusahan ng isang 22-year-old student si Vhong ng attempted rape.

Isang 22-year-old student ang naghain ng reklamong attempted rape laban sa actor-host na si Vhong Navarro sa Southern Police District sa Bonifacio Global City.

Ayon sa ulat ng 24 Oras Weekend ng GMA Network ngayong araw, January 25, pirmado umano ni Ferdinand Navarro—ang tunay na pangalan ni Vhong—ang isang police blotter kung saan nakadetalye ang nangyari noong gabing siya ay nabugbog.

Sadyang hindi pinalagay umano ang pangalan ng babaeng complainant sa police blotter dahil sa pagiging sensitibo ng reklamo.

Vhong Navarro now being accused of attempted rape by 22-year-old student,  says blotter report | PEP.ph

ALLEGED ATTEMPTED RAPE. Ayon sa salaysay ng complainant na nakasulat sa salitang Ingles, pasado alas diyes ng gabi ng January 22 nang dumating si Vhong sa condominium unit ng babae na matatagpuan sa Bonifacio Global City.

Nung nakapasok na sa loob ng condo unit si Vhong, nagulat ang 22-year-old student nang bigla umanong hawakan ng actor-host ang kanyang kamay, hinila ang kanyang buhok, at pilit na pinaupo sa isang upuan.

Ayon pa rin sa complainant, nagawa niyang manlaban at tumakbo sa kanyang kuwarto nang maramdaman niya raw ang motibo ni Vhong.

Ngunit sinundan umano siya ng actor-host sa kuwarto at sapilitang inihiga sa kama at sinubukang tanggalin ang shorts ng complainant.

Hindi raw tumigil si Vhong sa pag-atake at pumaibabaw pa raw sa dalaga sa kabila ng pagmamakaawa umano ng huli.

Sa puntong ito, dumating daw ang dalawang kaibigan ng complainant upang magbigay ng saklolo at magsagawa ng “citizen’s arrest.”

Nakuha pa raw dalhin ng biktima at ng mga kasamahan nito si Vhong sa Southern Police District upang ipa-blotter ang pangyayari.

Ngunit nakasaad din sa naturang police blotter na hindi na itutuloy ng biktima na magsampa ng kasong attempted rape laban kay Vhong.

Fashion PULIS: Poll: Who Do You Believe? Team Vhong Navarro vs Team Cedric  Lee

Kaugnay nito, nakakuha rin ang GMA News ng kopya ng dokumento mula sa security agency na nangagasiwa sa security ng condominium building na tinitirahan ng complainant.

Kinumpirma ng security agency na naitala sa kanilang record na nagpunta si Vhong sa unit ng biktima at pati na ang pagdating ng dalawang kaibigan ng babae.

Sabi pa sa naturang dokumento mula sa security agency: “It is confirmed that the unit owner has advised our assigned guards of her arriving guests, including Navarro, to allow them up into her unit.

“Thus, after due verification of the guests’ identities, our guards allowed them to enter the premises.”

VHONG’S SIDE OF THE STORY. Sa kabilang banda, ang salaysay ng biktima ay taliwas sa pahayag ng kampo ni Vhong tungkol sa dinanas nitong pambubugbog noong gabi ng January 22.

Kahapon, January 24, unang pumutok ang balita tungkol sa pambubugbog kay Vhong ng isang grupo ng kalalakihan sa isang condominium sa Bonifacio Global City.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, January 24, kinumpirma ni Direk Chito Roño—na siya ring tumatayong manager ni Vhong—na naimbitahan ang actor-host sa condo unit ng isang babaeng kaibigan.

Sa ‘di malamang kadahilanan ay bigla na lang umanong piniringan si Vhong, pinagtulungang bugbugin, ginapos, at hiningan ng pera ng isang grupo ng kalalakihan.

Bagamat nakakapagsalita at nakakagalaw ang actor-host, hindi pa rin daw maayos ang kondisyon nito at nakatakdang sumailalim sa operasyon sa Lunes, January 27.

VHONG’S CAMP: NO SUCH BLOTTER REPORT. Agad kinontak ng PEP ang manager ni Vhong para tanungin tungkol sa attempted rape complaint.

Narito ang sagot ni direk Chito:

“That is the missing blotter that suddenly surfaced. It was not found in any precinct in Taguig yesterday.

“The police chief was reported to have denied it existed. We are as keen as you are as how GMA got it.”’

Hindi malinaw kung ano ang nais ipakahulugan ng director tungkol sa tinuran niyang “missing blotter.”

Hindi rin sinagot ng director ang nabanggit sa ulat ng GMA News na pirmado ni Vhong ang inihaing police blotter ng complainant sa Southern Police District.

How Boy Abunda interviewed Vhong Navarro | PinoyJourn: Stories behind the  Stories

Ayaw munang magbigay ng iba pang detalye si Direk Chito hinggil dito.

Sa kasakuyan, naglunsad na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng imbestigasyon kaugnay ng nangyaring pambubugbog kay Vhong.

Nananatiling bukas ang PEP sa anumang nais ipahayag ng mga taong sangkot sa isyu.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News