Ano ang maNgyayari sa Aegis pagkatapos ng kamatayan ni Mercy Sunot? | 2024 NAKAKAPUSO NA BALITA? | 2024 HEARTBREAKING NEWS

Ano na ang mangyayari sa Aegis matapos pumanaw ng isa sa mga lead vocalist ng banda na si Mercy Sunot?

Ito ngayon ang katanungan ng maraming tagahanga ng Pinoy rock band.

Sa eksklusibong ulat ng ABS-CBN ngayong Miyerkules, November 20, 2024, tiniyak ng business manager ng Aegis na si Josie Galindo na tuloy pa rin ang banda.

Pahayag ni Josie: “Hindi kami prepared na ganun kabilis ang mangyayari na mawawala si Mercy.

“Actually, noong March na umalis si Mercy para magpagamot, tuloy lang talaga. Kasi ang grupo ay intact talaga.

“So, nagpe-perform pa rin naman sila, tumutugtog.

“Ang plano kasi namin talaga, habang nasa U.S. si Mercy, walang magbabago at tumatanggap pa rin kami ng mg gigs at shows. Iyon talaga ang plano kasi expected namin na babalik pa si Mercy.

“Pero this time na nawala na si Mercy, so ang focus na lang namin ay yung anim, at hindi magbabago dahil naniniwala kami na kaya nung dalawang magkapatid — si Juliet at si Ken. ”

Sa katunayan, hindi na nila isinama si Mercy sa kanilang Halik Sa Ulan concert sa February 2025 para matutukan nito ang kanyang pagpapagamot.

Halik Sa Ulan concert insert

Photo/s: Courtesy: The Aegis Band on Facebook

Saad ni Josie, “Since ang alam namin, na ang treatment ng cancer is long term, talagang pati ang pictorial, preparations, anim lang sila.

“Para at least aware ang mga fans na magpe-perform ang banda nang anim lang.

“Ang band naman, hoping kami na makakasama namin si Mercy pero hindi ganun ka-soon kasi nga nagpapagamot siya, and hindi rin kami prepared na mawawala siya.

“Pero plano sana namin na special guest namin siya para sa February concert.”

AEGIS CONCERT WILL PAY TRIBUTE TO FALLEN VOCALIST

Ayon pa kay Jocie, may bahagi ang konsiyerto nila sa Pebrero na tribute para sa pumanaw na bokalista.

Aniya, “Nag-decide ang aming producer na part ng show, gagawa ng tribute para kay Mercy, and part ng proceed, ibibigay rin sa family.”

Nagpasalamat si Josie sa mga taong patuloy nagpapaabot ng suporta sa kanila at tumulong kay Mercy habang nagpapagamot ito sa Amerika.

Plano rin nilang maiuwi na ang mga labi ni Mercy sa Pilipinas para magkaroon ng public viewing para sa mga nagmamahal sa singer.

Aniya, “Nagpapasalamat kami sa mga tao doon sa U.S. na nag-raise ng funds para makatulong na maiuwi ang mga labi ni Mercy sa Pilipinas, dahil medyo may kamahalan ang magagastos, kaya salamat dahil ginagawa nila yun para kay Mercy.

“Ang request na lang ng family, ipauwi si Mercy nang buo, hindi ipapa-cremate doon.

“Actually, marami ang nagtatanong — mga kaibigan, fans, producer — and sa napag-usapan namin ni Juliet, pagbigyan namin ng one night or two nights viewing yung mga gusto makiramay sa family at para na rin sa mga nagmamahal na mga fans.

“Pero sa ngayon, hindi pa talaga namin masasagot dahil sabi ng U.S. side, two to three weeks pa bago maiuwi ang body.”

Humihiling din si Josie ng dagdag na dasal para kay Mercy at sa mga kabanda nito at maalala ng mga tao ang pagiging unique performer ng namayapa.

Pagtatapos niya, “Ang boses niyang naiiba, very husky na bumibirit.

“Mahuhusay silang tatlo, si Juliet at Ken, dahil kani-kaniya silang quality ng boses.

“Pero ang kay Mercy, wala pang mga singer ngayon ang katulad niya. Yun talaga ang tatak niya at nag-iisa, na sana hindi makalimutan ng maraming tao.”

Pumanaw si Mercy dahil sa cancer sa Stanford Hospital and Clinics sa San Francisco, California, noong gabi ng Nobyembre 17, 2024 (Nobyembre 18 ng umaga sa Pilipinas).

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News