PAK na pak daw ang Kapamilya actress at Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo na bumida sa remake ng “Marimar.”
Kung sakaling magkakaroon daw ng bagong collaboration ang GMA at ABS-CBN, sana raw ay gawin nila ang bagong version ng “Marimar” at kunin si Kathryn bilang lead star kasama ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.
Unang bumida sa Pinoy version ng naturang Mexicanovela (na pinagbidahan nina Thalia at Eduardo Capetillo) ay sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na umere noong 2007 sa GMA 7.
Sinundan ito ng panibagong adaptation na pinagbidahan naman nina Megan Young at Tom Rodriguez.
Dahil sa mga viral sexy pictorial ngayon ni Kathryn para sa isang fashion magazine, partikular na ang kanyang mga beach photos ay maraming nagsasabi na puwedeng-puwede siyang gumanap bilang “Marimar”.
Ilang netizens ang nanawagan na gawin na agad ng ABS-CBN at GMA ang new version ng “Marimar” at pagtambalin nga uli sina Kath at Alden lalo pa’t mainit na pinagpipiyestahan ngayon ng fans ang kanilang sweetness.
May nakita pa nga kami sa social media na isang pubmat kung saan makikita si Kathryn na kunwari’y siya na ang napiling gaganap na “Marimar.”
Mababasa sa Facebook account na Universal Production Manila ang mga katagang “Kapamilya Actress na si Kathryn Bernardo nakitaang pwedeng gumanap bilang Bagong Marimar.”
“Ayon sa ilang director, at netizen bagay si Kathryn bilang maging susunod na Marimar, ang karakter na orihinal na ginampanan ng Mexican superstar na si Thalía noong 1994 at ng Kapuso actress na si Marian Rivera noong 2007,” sabi pa sa naturang FB post.
“Yes Marimar 2024!!!”
“Go…go..idol aabangan nmin yn Marimar 2024 at Kathryn Bernardo & Alden Richards.”
“Bagay na bagay sa kaniya, nakaka-excite naman!”
“Ay wala na bang iba? Kakasawa na Marimar. Gawa na lang bago.”
“Wow, YES NA YES! Bagay na bagay sa kaniya. Acting wise, the looks.”
“Tapos si Alden Richards o kaya si Jericho Rosales ang Sergio.”
“Ang galing pa naman umarte ni kathryn pang malakasan.”
“Sorry pero kapag sinabing Marimar, matik na si Marian Rivera na kaagad ang naiisip. Hindi na mabubura ni Kathryn ‘yan o kahit na sino pa ‘yan, kahit nga si Megan Young na sa GMA pa ginawa!”
Yan ang ilang reaksyon ng mga netizens.
News
SHOCK: Ion Perez breaks silence on rumours ‘CHEATING’ on Vice Ganda
PHOTO: @praybeytbenjamin on Instagram Ion Perez took to Instagram to address bashers who think he will cheat on Vice Ganda! Ion Perez condemned accusations made by critics that he will most likely cheat on his partner, the Phenomenal Box Office Star Vice…
SHOCK VIDEO: VICE GANDA’S WIG BEING PULLED IN CANADA, AND HIS CALM REACTION
Photo lifted from the Instagram account of Kapamilya host Vice Ganda. @praybeytbenjamin via Instagram MANILA, Philippines — Host-comedian Vice Ganda kept a calm composure as he confronted a couple of fans who tried to pull his wig while at a concert…
Gerald Anderson, inihayag naramdaman sa pelikula ni Julia at Joshua: “Awkward talaga trabaho namin”
– Gerald Anderson, in an interview with ABS-CBN, expressed what he felt about the movie of Julia Barretto and Joshua Garcia – In an interview, he was first asked of his reaction about rumors about him and Julia, as well…
Rumored gf ni Joshua Garcia, nanood ng pelikula nina Joshua at Julia Barretto
– Masayang ibinahagi ni Emilienne, rumored girlfriend ni Joshua Garcia, ang kanyang kagalakan matapos mapanood ang pelikulang #UnHappyForYou – Ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa talento nina Joshua Garcia, Julia Barretto, at director na si Antoinette Jadaone – Sinabi ni…
Joshua Garcia, ginulat mga fans sa kissing scene nila Julia Barretto sa pinost na BTS video
– Joshua Garcia’s fans were thrilled at his kissing scene with ex-GF Julia Barretto in the “Un/Happy For You” BTS video that he posted – In the video, one can see one scene where the ex-couple hugged and kissed –…
Charlene Gonzalez reacts to Julia Barretto’s stunning photo: “beautiful”
– Julia Barretto didn’t fail to captivate the netizens with her new post on Instagram – The actress showed off her stunning outfit and captioned her post with an ice cream emoji – Furthermore, Julia’s post has gone viral and…
End of content
No more pages to load