Aegis, labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ni Mercy Sunot

Labis na ikinabigla ng pamilya ni Mercy Sunot ang kanyang pagpanaw, kahit alam nilang nakikipaglaban sa kanser ang isa sa mga lead vocalist ng Aegis Band.

Breast at lung cancer ang kumitil sa buhay ni Mercy.

Pumanaw siya sa edad na 48 sa San Francisco, California, noong Nobyembre 17, 2024 (Nobyembre 18, 2024 sa Pilipinas).

 

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang naulilang pamilya ni Mercy dahil nahihirapan silang tanggapin ang katotohanang wala na siya.

Ito ang dahilan kayah indi pa masasagot ang mga katanungan tulad ng petsa na maiuuwi sa Pilipinas ang kanyang mga labi.

Pitong buwan nang namamalagi sa Amerika si Mercy para magpagamot.

 

MERCY SUNOT LUNG SURGERY

Noong Nobyembre 12, sumailalim siya sa lung surgery pero nagkaroon ng komplikasyon na dahilan ng kanyang panghihina.

Matapang na hinarap ni Mercy ang kanyang karamdaman dahil mag-isa siyang pumupunta sa ospital para magpagamot.

At hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, hindi mababakas sa pisikal na kaanyuan ni Mercy ang matinding pakikipaglaban niya sa kanser.

 

mercy sunot surgery

Isa sa mga nakakaalam sa sakit ni Mercy ay ang U.S.-based concert promoter na si Vic Perez.

Nagkaroon ng pagkakataon si Vic na makasama si Mercy sa concert nina Kuh Ledesma at Nonoy Zuñiga noong Agosto 2024.

Kuwento nito, “Kuh and our production team of Kuh and Nonoy concert prayed over her.

“We had some chats and little bonding. Didn’t know she will leave so suddenly.

“Now Mercy is singing with the angels in heaven. May the Lord and his angels embrace you in the eternal life of joy and peace.”

Isang malapit na kamag-anak naman ni Mercy ang nakausap ng Cabinet Files.

Snabi nitong apektadong-apektado sa pagkamatay ng 48-year-old singer ang kanyang mga kapatid na miyembro rin ng Aegis band.

Nang itanong ng Cabinet Files sa kamag-anak ni Mercy kung paano nito isasalarawan ang namayapang mang-aawit, ito ang sagot niya: “She is a fighter, she never backed down from anything and she never saw herself losing in any obstacle she would face.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News