Binahagi ni Mark Andrew Yulo, ama ng sikat na gymnast na si Carlos Yulo, ang screenshots na nagpapakita umano’y mga mensahe ni Chloe San Jose mula sa kanilang group chat. Ang post ay ibinahagi ni Mark mula sa post ng isang gymnast coach na malapit din sa pamilya Yulo.
Mark Andrew Yulo, binahagi ang screenshots ng umano’y messages ni Chloe San Jose (Photos: Mark Andrew Yulo, Chloe Anjeleigh San Jose | Facebook)Source: Facebook
Ayon sa mga screenshot, binigyang-diin ni Mark na ang ipinakita umano ni Chloe na mga mensahe noon ay pawang mga magaganda lamang, samantalang hindi nito isinama ang mga mensahe ng pang-aalipusta sa ina ni Carlos, si Angelica Yulo. Dagdag pa ni Mark, ito ang dahilan kung bakit umalis si Angelica sa kanilang group chat.
Inakusahan ni Mark si Chloe ng pagtataboy sa mga taong malapit kay Carlos at paghihiwalay sa kanila mula sa kanilang anak. Binigyang-diin din niya ang umano’y masamang impluwensya ni Chloe kay Carlos, na naging sanhi ng alitan ng mag-ina.
Sa kabila ng mga paratang, wala pang opisyal na tugon mula kina Carlos Yulo o Chloe San Jose hinggil sa ni-reshare na screenshots ni Mark Andrew Yulo. Ang mga tagasubaybay ng pamilyang Yulo ay naghihintay ng karagdagang detalye tungkol sa lumalalang alitan sa pagitan ng pamilya.
Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.
Matatandaang nag-post si Chloe San Jose ng mga larawan mula sa condominium ni Carlos Yulo.Ibinigay ng Megaworld ang P32 milyong condo bilang regalo kay Carlos dahil sa kanyang tagumpay. Pinuri naman ni Carlos ang bagong hairstyle ni Chloe sa social media. Umugong ang espekulasyon ng mga netizen na maaaring naninirahan na si Chloe sa condo ni Carlos.
Samantala, ibinulgar ni Chavit Singson na hindi na makontak ng pamilya niya si Carlos Yulo. Nag-alok si Singson ng P5-M pabuya para sa pagbabati-bati ng pamilya ni Yulo. Hinimok ni Singson si Caloy na unahin ang kanyang pamilya sa kabila ng tagumpay. Patuloy na umaasa si Singson na maaayos ang gusot sa pagitan ni Yulo at ng kanyang pamilya.
News
IShowSpeed awestruck by Manny Pacquiao’s $480K customized Hummer H2
YouTube sensation IShowSpeed was left in awe upon seeing the $480,000 customized Hummer H2 owned by boxing icon Manny Pacquiao. During a visit to Pacquiao’s mansion, IShowSpeed was immediately captivated by the Hummer, a standout piece in the boxing…
Ogie Diaz advises Carlos Yulo’s father to be cautious amid family feud
Talent manager and comedian Ogie Diaz has advised Mark Andrew Yulo, father of two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, to exercise caution in his public statements regarding their ongoing family rift. During the latest episode of his ‘Showbiz Update’ vlog,…
Manny Pacquiao builds and gives away 1,000 houses in Philippines to poor and homeless
Manny Pacquiao knows what it’s like to have nothing. He once lived it. Eating was never a given for Pacquiao while growing up with his dirt-poor family in the Sarangani Province in The Philippines. He quit school at the age…
Gymnast Carlos Yulo rewarded with additional P10M bonus for Paris 2024 double Olympic gold triumph
Carlos Yulo received a P10-million bonus from ICTSI for winning two gold medals in Paris 2024. Fellow Filipino Olympians, including bronze medalists Nesthy Petecio and Aira Villegas, were also given incentives. Carlos Yulo, along with other Philippine Olympians received cash…
“His power’s amazing”, “One punch and gone” – Fans react to IShowSpeed vs. Manny Pacquiao
IShowSpeed (left) vs. Manny Pacquiao (right) leaves fans in splits [Image Courtesy: @ishowspeedsui via X/Twitter] Popular streamer Darren Jason Watkins Jr., more popularly known as ‘IShowSpeed,’ is currently in the Philippines. He has been livestreaming his trip, giving his fans…
Mommy Dionisia ‘Mahalin mo ang nanay mo’ Advice To Carlos Yulo, Netizens React
Mommy Dionisia has this message to Carlos Yulo Mommy Dionisia Pacquiao advised two-time Olympic gold Carlos Yulo to love his mother and this received different reactions from netizens. Carlos is now tagged “the golden boy” because of his victorious performance…
End of content
No more pages to load