Ex-dyowa ni Karla na si Jam Ignacio engaged na sa non-showbiz GF

Ex-dyowa ni Karla na si Jam Ignacio engaged na sa non-showbiz GF

Jam Ignacio, Jellie Aw at Karla Estrada

NAG-PROPOSE na ang ex-partner ni Karla Estrada na si Jam Ignacio sa current non-showbiz girlfriend nitong si Jellie Aw.

Yes, yes, yes mga ka-BANDERA! Engaged na nga si Jam kay Jellie makalipas lamang ang ilang buwan nang ibandera nila sa buong Universe ang kanilang relasyon.

Ibinahagi ni Jam sa kanyang Instagram page ang mga photos na kuha sa birthday celebration ni Jellie. At habang nagkakasayahan nga ang lahat sa okasyon ay nag-propose si Jam sa girlfriend.

Ang caption na inilagay ng ex-boyfriend ni Karla sa kanyang IG post, “Hon Happy Birthday!!! (beer mug emojis).

“Happy ako kasama kita sa special day mo, kasama mo na ako every year (smiling face emoji).

“Tanggal na yung sumpa (laughing emojis) naging triple celebration tayo. Basta Mahal na Mahal kita !!! (smiling emoj I Love You !!!” ang kabuuang pahayag pa ni Jam.

Makikita rin sa mga litratong ipinost ni Jam ang photo nila ni Jellie na naghahalikan kung saan bumandera nga ang kamay ni Jellie suot ang kanyang engagement ring.

Karla Estrada's ex-boyfriend Jam Ignacio flexes new girlfriend | PEP.ph

Nag-comment naman si Jellie sa post ng kanyang future husband, “Thank you hon i love you (heart emoji).”

Matatandaang noong August, 2024, ibinandera rin ni Jam sa IG ang tungkol sa taong napakaespesyal sa kanyang buhay at puso hanggang sa ipakita na niya sa buong universe ang itsura nito.

Until now ay hindi pa rin nagsasalita si Karla tungkol sa breakup nila ni Jam kaya wala pa ring idea ang madlang pipol sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ang huli pang post ni Karla sa Instagram tungkol sa kanila ni Jam ay noon pang March 23, 2023. Kahit si Jam ay never ding nagsalita about sa breakup nila ni Karla.