Pau Fajardo gets engaged for the second time.
After overcoming the heartbreak of her past relationship, social media influencer Pau Fajardo is embarking on a new chapter as she’s now happily engaged to her partner, PJ Reblora.
Marami ang natuwa sa muling pagkaka-engage ng social media influencer na si Pau Fajardo, matapos ang masalimuot na karanasan sa nagdaan niyang relasyon.
Nitong Miyerkules, January 1, 2025, isinapubliko ni Pau ang engagement nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si PJ Reblora.
Photo/s: Pau Fajardo on Instagram
Photo/s: Pau Fajardo on Instagram
CONGRATULATORY MESSAGES
Inulan ng congratulatory messages ang post na ito ni Pau.
Marami sa kanyang fans ang natuwa sa muli niyang pagkaka-engage.
Komento ng isang netizen, “Congrats Pau sobrang saya ng puso namin para sayo.”
Saad ng isa (published as is), “@_paufajardo so happy kami mga solid supporters mo pretty pau. Indeed the Right man (PJ) @papajaayy comes at the Right time and Right reasons….Road to forever..”
CONTINUE READING BELOW ↓
Juday at Vilma, DALAWANG ORAS NAG-USAP_ BAKIT_ _ PEP Interviews
Sabi naman ng isa (published as is), “Wow congrats deserve mo ang lumigaya at sumaya , ang galing talaga ni lord ..all the best for you.hindi mo man ako kilala pero isa ko sa mga nasaktan nung nasaktan ka kaya isa rin ako sa pinaka masayang tao ngayon kasi dinala ka ni lord sa mas masayang chapter ng buhay mo,isa rin to sa pinagdasal ko na bigyan ka ng tamang tao, yung taong deserve mo..ngayon makaka-move on na ko hahaha…congrats ulet namnamin ang kaligayahan at ingat.
Maging si Dani Barretto ay hindi rin pinalampas na batiin si Pau.
Aniya, “Congratulations!!”
Dagdag pa ng isang netizen (published as is), “Congrats!!! We are so happy for you guys stay in love.. Pansin ko lang mas natural na lumalabas ang pagiging malambing ni Pau kay PJ kesa nung sila pa ni Scottie.. sa isa may awkwardness..”
Scottie Thompson (right) and Pau Fajardo (left) during their engagement.
Photo/s: Scottie Thompson Instagram