Kamakailan, maraming netizens ang natuwa sa desisyon ng Milo na piliin si EJ Obiena bilang kanilang bagong endorser, imbes na si Carlos Yulo. Ayon sa ilang komento, mas angkop si Obiena bilang isang role model, lalo na’t pinanatili nito ang magandang relasyon sa kanyang pamilya, taliwas sa mga balitang bumalot kay Yulo.

NAKU TANGGAL NG ENDORSER SI CARLOS YULO AT MAS PINILI SI EJ OBIENA!  NETIZENS NATUWA

Marami ang nagsabi na ang pagiging mabuting anak at pagmamahal sa pamilya ni Obiena ay mas angkop sa imahe ng Milo, isang produkto na malapit sa puso ng mga Pilipino.

Isa sa mga pinakapinagtutunan ng netizens ay ang kawalan umano ng respeto ni Carlos Yulo sa kanyang pamilya, dahilan upang hindi siya piliin ng Milo. “Mabuti na lang at hindi si Carlos Yulo ang kinuha ng Milo,” komento ng isang netizen. “Walang respeto sa pamilya, masisira ang kulturang Pilipino.”

Samantalang si EJ Obiena, na nagpapakita ng dedikasyon hindi lamang sa kanyang isport kundi pati na rin sa kanyang pamilya, ay nakakuha ng mas maraming suporta mula sa publiko. “Tama lang ang ginawa ng Milo. Bibili ulit kami ng Milo para sa apo ko,” dagdag pa ng isa.

Sa kabila ng kontrobersiya, may mga tagahanga pa rin si Yulo na nagtatanggol sa kanya, pinupunto ang dalawang gintong medalya na kanyang naiuwi para sa bansa. “Carlos Yulo ang nagbigay ng ginto sa Pilipinas, dalawa pa,” sabi ng isang supporter. “Kahit sino ang kunin nilang endorser, hindi nila kayang tapatan ang naabot ni Carlos.”

Ngunit sa kabila ng kanyang mga tagumpay sa sports, tila hindi pa rin sapat ang mga ito upang patahimikin ang isyu sa kanyang personal na buhay. Ayon sa ilang opinyon, mahalaga pa rin ang imahe at reputasyon ng isang atleta, lalo na kung magiging kinatawan sila ng mga malalaking brand gaya ng Milo.

Sa huli, habang patuloy na pinupuri si EJ Obiena para sa kanyang mga nagawa at mabuting halimbawa, si Carlos Yulo ay nahaharap sa mga hamon sa kanyang karera, na ngayo’y nadadagdagan pa ng mga personal na isyu na tila nakakaapekto sa kanyang imahe.