Sa isang kontrobersyal na TikTok video, tahasang pinangaralan ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo dahil sa umano’y hindi magandang pakikitungo nito sa kanyang ina. Sa naturang video, sinabi ni Oropesa, “The way he’s treating his mother is horrible,” at idiniin na mali ang paraan ng pakikitungo ni Yulo sa kanyang magulang.
Source: TikTok
Ayon kay Oropesa, walang lugar sa lipunan ang ganitong klaseng asal, lalo na pagdating sa isang anak na hindi marunong gumalang sa kanyang ina. “Kahit anong sabihin, mali po ‘yun. Ang pagtulong sa magulang ay hindi responsibilidad, ito po ay galing sa puso ng taong marunong magmahal,” ani pa ng aktres. Idinagdag niya na kahit anong kasalanan ng ina, ito pa rin ay nanay na nararapat igalang at mahalin.
Mas lalo pang uminit ang pahayag ni Oropesa nang sinabi niya, “Tandaan mo, your cells galing sa ina mo… Hanggang mamatay ka, kahit patay na ang ina mo, ‘yan ang tutulong sa health mo. ‘Yan ang reason kung bakit ang galing mong athlete, t*nga!” Dagdag pa ng aktres, hindi dapat ipinapahiya ni Yulo ang kanyang ina at hindi rin tamang tawagin itong magnanakaw.
Ang matapang na komento ni Oropesa ay mabilis na umani ng atensyon online, kung saan nagkaroon ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen. Sa kabila ng matinding pahayag, marami ang nag-aabang sa magiging tugon ni Yulo o ng kanyang kampo sa mga akusasyon at pananaw ni Elizabeth Oropesa.
Si Elizabeth Oropesa ay isang aktres at beauty queen sa Pilipinas. Siya ay isang Grand Slam Best Actress winner para sa pelikulang Bulaklak Ng Maynila. Sa ngayon, maraming pinagkakaabalahan si ‘La Oropesa’ na isa ring doctor. Isa rin umano siyang animal advocate. Katunayan, nasa 17 ang aso na kanyang inaalagaan sa kanyang tahanan at marami rin siyang pinakakaing mga pusa.
Sa kasagsagan ng eleksyon noong 2022, naging kontrobersyal ang kanyang pahayag tungkol sa pagpapaputol umano ng kanyang mga paa kung mapatunayan ng mga nag-aakusa na binabayaran sila umanong mga artista sa pagsuporta nila sa nanalong pangulo na si PBBM.
Naikwento ni Elizabeth na nanalo siya sa Miss Philippines sa edad na 15 anyos. Dahil dito, nabawian siya ng titulo, at isinauli ang lahat ng kanyang naging premyo. Maliban sa korona na hindi na nila ibinalik at hanggang ngayon ay nasa kanila pa rin. Bukod sa pagiging isang aktres, isa ring doktor si La Oropesa at aminado na isang supporter ng mga Marcos sa loob ng nasa 37 na taon.
News
Exclusive! Bela Padilla Nagsalita Na Sa Isyu Na Papalitan Si Anne Curtis Sa Showtime
Maraming mga tao ang nagtataka kung bakit hindi kasama si Bela Padilla sa Magpasikat segment ng It’s Showtime. Ang mga naunang inanunsyo na grupo ay sina Vice Ganda, Ryan Bang, at Karylle. Nang dahil dito, maraming tagahanga ang nagtaka at…
Nagkamali Ang Lahat! Ganito Pala Kayaman Ang Gf Ni Carlos Yulo Na Si Chloe San Jose Milyonarya Pala!
Gaano nga ba kayaman ang vlogger at fashionista na si Chloe San Jose bago pa man siya nakilala ni Carlos Yulo, ang dalawang beses na gold medalist sa gymnastics? Hanggang ngayon, patuloy na pinag-uusapan si Chloe San Jose, isang Filipino-Australian…
Alden Richards and Kathryn Bernardo Does the Maybe This Time Dance Challenge
Nag-post si Alden sa TikTok ng isang video kung saan masigla silang sumasayaw sa sikat na kanta. Puno ng damdamin ang kanilang pagganap at tila bumubulong pa siya ng ilang lyrics. “Marahil sa pagkakataong ito, maisasakatuparan natin ang hinaharap,” sabi…
Boy Abunda, Nagbigay Ng Opinyon Sa Isyu Ng Pamilya Yulo, Inamin na Maki-Nanay
Ibinahagi ni Boy Abunda, ang tinaguriang King of Talk ng Asia, ang dahilan kung bakit hindi pa niya na-interview si Carlos “Caloy” Yulo, ang two-time Olympics gold medalist at isang simbolo ng pagmamalaki ng mga Pilipino sa larangan ng gymnastics….
Clark praises Taylor Swift’s efforts for team
The Hυпts also have a keeп iпterest iп the other kiпd of football — professioпal soccer — the sport their late legeпdary father, Lamar Hυпt, was so iпstrυmeпtal iп briпgiпg to this coυпtry. FIFA aппoυпced last week that while Dallas…
Teaser ng Hello, Love, Again Laman ng Usap-Usapan Sa X
Sa mga social media platform, partikular sa X, usong-uso ang ilang hashtags at paksa na may kaugnayan sa inaasahang sequel ng “Hello, Love, Goodbye,” na pinamagatang “Hello, Love, Again.” Ang pelikulang ito, na tampok ang mga paboritong bituin na sina…
End of content
No more pages to load