International actress na si Liza Soberano nagpakita ng pagsuporta sa kasong isinampa ng Kapuso actress na Bea Alonzo laban sa mga showbiz columnists na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin.
Nitong Hwebes, May 2, 2024 ay personal na nagtungo si Bea Alonzo sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City kasama ang kanyang manager na si Shirley Kuan at legal counsel na si Atty. Jose Manolo Garcia para magsampa ng ng kasong cyber libel laban kina Ogie Diaz, Cristy Fermin at isa pang indibidwal na hindi naman pinangalanan.
Kasama rin sa mga sinampahan ng aktres ang mga co-hosts nina Ogie Diaz at Cristy Fermin sa kani-kanilang mga online shows.
Samantala, mainit na naging usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pag-like at pag-repost ni Liza Soberano sa isang Twitter post patungkol sa article na naipublished kung saan mababasa ang pagsampa ng kaso ni Bea Alonzo kina Cristy Fermin at Ogie Diaz.
Bagama’t wala namang caption si Liza Soberano sa kanyang post marami sa mga netizens ang naghinuha na ang pag-repost ni Liza Soberano sa nasabing post ay idekasyon ng pagsuporta niya sa ginawang hakbang ni Bea Alonzo laban sa mga naninira sa kanya.
Ikinagulat naman ito ng ilang mga tagahanga ni Liza Soberano, dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naging malapit rin si Liza Soberano kay Ogie Diaz.
Si Ogie Diaz ay matagal ring nakasama ni Liza Soberano bilang kanyang manager noong nasa poder pa siya ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.
May mga netizens naman na naghinala na may lihim na galit si Liza Soberano kay Ogie Diaz na hindi pa nasisiwalat sa publiko.
Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag o anumang reaksyon si Ogie Diaz patungkol sa pagrepost ni Liza Soberano sa balitang sinampahan sila ni Bea Alonzo ng kasong cyber libel.
News
Alden TINAWAG na “GIRLFRIEND” si Kathryn
Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang tila pagkakamali o patama ni Alden Richards matapos tawagin si Kathryn Bernardo na kanyang “girlfriend” sa isang interview. Ang hindi inaasahang pahayag na ito ay agad na nagdulot ng kilig sa kanilang…
Liza Soberano “Wild Na!” Matapos Layasan Ang Talent Agency Na Careless Na Pag-Aari Ni James Reid!
Matapos ang pag-alis ni James Reid sa talent management na “Careless,” may bagong agency na agad na nakakuha kay Liza Soberano, ang dating Kapamilya star. Ayon sa isang post sa Instagram ng grupong “WILD,” na nakabase sa Singapore, sila na…
CARLOS YULO “CALOY” NASUPALPAL-NG ILANG NETIZENS NG MAKITA ANG AMANG PAPASOK SA TRABAHO
Usap-usapan ngayon sa social media ang Olympic gymnast na si Carlos Yulo matapos lumabas ang isang live video ng kanyang ama, kung saan makikitang tuloy-tuloy pa rin itong pumapasok sa kanyang dating trabaho gamit ang bisikleta. Maraming netizens ang nag-react,…
MAHAL ni Chloe San Jose si Carlos Yulo dahil KONTROL si Angelica Yulo ni Chloe!
Ang kilalang gymnast na si Carlos Yulo ay kasalukuyang dumadaan sa isang matinding pagsubok sa kanyang personal na buhay, lalo na sa kanyang relasyon sa pamilya. Ayon sa ulat, ang kanyang kasintahan na si Chloe San Jose ang naging sanhi…
“Hindi ko kayang ipakita ang sarili ko sa kanya”- Ang kasintahan ni Carlos Yulo ay gumawa ng nakakasakit na pag-amin tungkol sa relasyon nila ng kanyang ama pagkatapos ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang
Ang kasintahan ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose, na isang modelo at tagalikha ng nilalaman, ay nagsalita tungkol sa kanyang relasyon sa kanyang ama mula nang maghiwalay ang kanyang mga magulang noong siya ay apat na taong gulang…
Alden Richards on Kathryn Bernardo: “She’s an ideal woman.” Excited for Hello, Love Again.
Sa isang kamakailang panayam, muling pinakilig ni Alden Richards ang kanyang mga tagahanga matapos magbigay ng matamis na pahayag tungkol kay Kathryn Bernardo, ang kanyang naging ka-loveteam sa blockbuster hit na “Hello, Love, Goodbye.” Ayon kay Alden, si Kathryn ay…
End of content
No more pages to load