Vice Ganda on Karylle greeting her ex: “Hi lang naman ito. This is just a game.”
Karylle to ex-boyfriend Dingdong Dantes: “Hi, Sixto. Belated happy birthday.”
PHOTO/S: @anakarylle Instagram / Rose Garcia for PEP.ph
Todo-iwas man noong una, napasubo pa rin si Karylle na banggitin ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend na si Dingdong Dantes.
Naganap ito habang umeere ang It’s Showtime ngayong Martes, August 18.
Si Karylle ang player sa “Mas Testing” segment ng Kapamilya noontime show, at may katanungan siyang hindi nasagot kaya pinatawan siya ng “fun-ishment” o kuwelang parusa.
Sina Vice Ganda at Vhong Navarro ang co-hosts, at contestants sina Randy Santiago at Mitoy Yonting.
Sabi ni Vice Ganda, “Ito ang punishment mo, Karylle: Mag-‘Hi!’ sa isang ex na kilala namin on national television.”
Naiilang na tanong ni Karylle, “Wala naman akong number. Feeling ko blinock ako, e. Tatawagan ko?”
Nilinaw naman nina Vice at Vhong na haharap lang si Karylle sa camera at magbigay ng “greetings” sa ex-boyfriend.
Maya-maya pa ay inamin ni Karylle kung bakit nag-aalangan siya.
“Kinakabahan ako. Baka ma-bash ako mamaya,” ani Karylle.
Sabi pa niya kay Vice, “Kapag binash ako, you got me girl, ha?”
“I got you! I got you!” paniniguro ni Vice.
Klinaro rin ni Vice na parte lang ng “fun-ishment” segment ang gagawing pag-hi ni Karylle sa ex-boyfriend nito.
“Hi lang naman ito. This is just a game. Huwag niyo seseryosohin. Ang may gusto po nito ay yung gumawa ng game. Walang kinalaman si Karylle dito, so wala siyang choice.”
Bago ito ay nilaglag ni Vice si Vhong na siyang pumili raw sa limang options ng “punishment” para kay Karylle.
Para huwag masyadong mahirapan si Karylle ay “Hi!” na lang daw ang sabihin niya at wala nang message.
Ilang beses bumuwelo si Karylle, pero hindi rin niya agad nagawang mag-hi sa ex-boyfriend.
“YUNG MAHIRAP YUNG IBA-BASH AKO MAMAYA.”
Sa puntong ito ay hindi pa rin pinapangalanan ni Karylle kung sinong ex-boyfriend ang tinutukoy niya.
Paliwanag ulit ni Karylle, “Actually, madali lang yung ‘Hi!’ Yung mahirap, yung iba-bash ako mamaya.
“Ibang ex na lang. Kilala ni DJ Mod… Hindi na kailangan buong pangalan.”
Sa halip na tukuyin ang ex-boyfriend niyang kilala ng kanyang co-hosts, ang binanggit ni Karylle ay isang “Mark P.”
“Hi, Mark! Kumusta? Sana okay ka.”
Nang maitawid ni Karylle ang punishment, hirit ni Vice, “Ayan, sinave kita!”
Balik-sagot ni Karylle, “Feeling ko sinave mo kasi uulitin mo sa next [punishment].”
Natatawang tinukso pa ni Vice si Karylle na kailangang galingan niya sa contest dahil “ang susunod na punishment mag-hi sa asawa ng ex.”
Sabi naman ni Karylle, “Kaya ko na! Kasi na-warm up na ako. I’m ready for anything now. Ready na ako kahit sinong hello, tawagan natin, whatever.”
KARYLLE CALLS DINGDONG BY HIS NAME SIXTO
Muling nagkamali si Karylle sa pinahulaan sa kanya sa segment, kaya binigyan ulit siya ng parusa, ang na gupitan ng one-inch ang kanyang bangs.
Habang nakaharap sa salamin at akmang gugupitan ang kanyang bangs, saka nagbigay ng greeting si Karylle para kay Dingdong.
Ani Karylle, “Hi to my ex! Kumusta kayo diyan?”
Hamon ni Vice, “Sige, sabihin mo totoong pangalan ng ex na kilala namin!”
Tinupad naman ni Karylle.
“Hi, Sixto. Belated happy birthday,” tukoy niya kay Dingdong, na ang full name ay Jose Sixto Dantes III.
Si Dingdong ay nagdiwang ng ika-40 kaarawan noong August 2.
Hirit ni Vice, “Taray! Brave girl!”
Balik-sagot ni Karylle, “Happy ka na, Vice?!”
Paglilinaw naman ni Vice, “Friend naman natin sila.”
Pagsang-ayon ni Karylle, “Oo, friend natin sila.”
News
Eldrew Yulo Steps into the Limelight: Following in Brother Carlos’ Footsteps as SEAAA 2024 Ambassador
In an exciting development for the sporting world, Eldrew Yulo, the younger brother of celebrated gymnast Carlos Yulo, has been named the Ambassador for the Southeast Asian Achievement Awards (SEAAA) 2024. This prestigious role highlights Eldrew’s outstanding accomplishments and his…
Ogie Diaz, nausisa si Gerald Anderson ukol sa nababalitang kasal na umano sila ni Julia Barretto
– Natanong ni Ogie Diaz si Gerald Anderson tungkol sa nababalitang kasal na ito kay Julia Barretto – Ayon sa nababalita, sa Amerika raw umano nagpakasal ang dalawa – Gayunpaman, sinabi ni Ogie na sakaling totoo ito ay wala naman…
May Violation Ulit! It’S Showtime, Bibigyan Ulit Ng Parusa Nang MTRCB Dahil Naman Kay Vice Ganda
Kapamilya noontime show na It’s Showtime, maaring mapatawan na naman ng panibagong parusa ng MTRCB nang dahil muli sa Unkabogable Star na si Vice Ganda. Muling tinawag ng ilang mga netizens ang pansin ng MTRCB, dahil sa naging pahayag…
BREAKING NEWS: Binggo Na! Its Showtime Nanganganib Na Muling Masuspinde?!
Sa pinakabagong episode ng It’s Showtime, muling nakakuha ng pansin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda dahil sa kanyang mga kontrobersyal na biro. Ang mga birada ni Vice Ganda ay naglalaman ng mga pahayag na tila may target…
Vice Ganda, sinagot ang netizen na sinabihan siyang wag pisikalin si Anne Curtis
– Vice Ganda recently responded to some netizens on Twitter – One netizen called him out and told him to avoid having “pisikilan” jokes with Anne Curtis – It didn’t take long for Vice to address the said tweet –…
Gerald Anderson’s mother opens up about relationship between Bea Alonzo and her son: ‘I never liked her!’
27 Aug – Gerald Anderson’s mother Evangeline Opsima is definitely unhappy with the controversy surrounding her son’s breakup with Bea Alonzo, as she recently admitted that she has never liked the actress for her son. As reported on Rappler, Opsima, known…
End of content
No more pages to load