– Binahagi ni Ion Perez ang panibagong vlog sa paggunita nila ni Vice Ganda ng kanilang 5th Anniversary
– Nagbasa sila at nag-react sa ilang mga komento ng kanilang mga fans sa kanilang wedding video
– Nagpasalamat silang dalawa sa mga magagandang komento ng kanilang supporters at hiling ni Vice na ituloy lang ng madlang people ang kanilang pagbabahagi ng mensahe nila
– Aniya, nagiging masaya sila sa mga mensahe ng mga supporters nila at mas maganda raw na iyon ang kanilang mabasa kesa sa ibang mga komento na toxic
Sa pagdiriwang nina Ion Perez at Vice Ganda ng kanilang 5th anniversary, napagpasyahan nilang magbasa at mag-react sa mga komento sa kanilang wedding video. Pinagpasalamat nila ang mga magagandang komento at mensahe ng kanilang fans.
Vice Ganda at Ion Perez, nagreact sa comments sa kanilang wedding video Source: Youtube
Kabilang sa mga nabasa nilang komento ay tungkol sa kanilang wedding vow na ayon sa nagkomento ay sincere. Ani Vice, dahil wala silang paghahanda para sa kanilang kasal, biglaan lang talaga ang lahat kabilang na ang kanilang mga vows.
Nagpasalamat sila at ani Vice ay nagiging masaya sila sa mga mensahe ng mga supporters nila at mas maganda raw na iyon ang kanilang mabasa kesa sa ibang mga komento na toxic.
Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It’s Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.
Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.
Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.
News
Pamilya Yulo “for Sale” Na Ang Bahay Mark Andrew Yulo Inamin Ang Totoong Dahilan! Naghihirap Na?
Ang ari-arian na binili ng pamilya Yulo sa Cavite ay kasalukuyang ibinebenta. Ayon sa isang post mula sa isang kamag-anak ni Gng. Angelica Yulo, ang property na matatagpuan sa isang subdivision sa Imus, Cavite, ay bukas na ngayon para sa…
Elizabeth Oropesa, nagbahagi ng mensahe para kay Carlos Yulo
– Pinangaralan ni Elizabeth Oropesa si Carlos Yulo sa isang TikTok video dahil sa umano’y hindi magandang pakikitungo nito sa kanyang ina – Ipinahayag ni Oropesa na mali ang pagtrato ni Yulo sa kanyang ina at dapat itong igalang anuman…
Diwata, Nagbigay ng Mensahe kay Carlos Yulo Tungkol sa Pagturing sa Magulang: “Magulang ay Magulang, Ikaw ang Dapat Magpakumbaba”
Sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, isa sa mga personalidad na nagbigay ng kanyang opinyon ay ang social media influencer na si Diwata. Sa kanyang naging pahayag, nagbigay siya ng mensahe…
Miss America and Miss World pageants accused of discrimination by candidate disqualified for being a mother
Miss USA and Miss Teen USA have both stepped down amid allegations of a toxic work environment, sparking a larger conversation about the mental health of pageant participants. Miss USA’s mental health crisis Miss USA and Miss Teen USA have…
Kathryn Bernardo, Alden Richards, kumasa sa ‘Maybe This Time’ dance challenge
– Kathryn Bernardo and Alden Richards are making the rounds on social media – On his TikTok account, Alden recently shared a fun dance video of him with Kath – The “Hello, Love, Again” lead stars hopped on the “Maybe…
Carlos Yulo Minura Ni Elizabeth Oropesa
Si Carlos Yulo, na dalawang beses nang nagkampeon sa Olympics, ay tumanggap ng sermon mula sa award-winning na aktres na si Elizabeth Oropesa dahil sa patuloy na paglayo nito sa kanyang mga magulang. Sa isang video, hindi napigilan ni…
End of content
No more pages to load