“Tapos na po ang laban.”

Ito ang reaksiyon ng fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards nang ipronta ng ina ni Kathryn na si Min Bernardo ang masayang umpukan nila off cam.

Sa video ng Instagram post ni Min ngayong October 6, 2024, bumungad agad si Alden na karga-karga ang pamangkin ni Kathryn na si QQ.

Makikitang matagal na buhat ni Alden si QQ, na halatang kumportable sa aktor.

Alden Richards with niece of Kathryn Bernardo QQ
Alden and Kathryn’s niece QQ Photo/s: @minbernardo Instagram
Alden Richards with niece of Kathryn Bernardo QQ

Maya-maya ay makikitang magkasama na sina Min, Alden, QQ, at isa pang pamangkin ni Kathryn na si Lhexine.

May kaunting kuha rin ng performance nina Kathryn at Alden sa stage.

Caption ni Min: “#HelloLoveAgain …thanks tita Kath and tito Tisoy for QQ’s first mallshow experience…. ‘til next!”

Kuha ang video sa pinakaunang mall show ng onscreen couple para sa Hello, Love, Again, ang sequel ng certified box-office hit na Hello, Love, Goodbye (2019).

Ginanap ang mall show sa Nuvali noong Sabado, October 5, 2024.

MIN BERNARDO AND HER “AYUDA” FOR KATHDEN FANS
Sa comments section, hindi magkamayaw ang KathDen fans sa anila’y “ayuda” ni Min na video update tungkol kina Kathryn at Alden.

Tingin ng fans, hudyat ito na boto si Min kay Alden para kay Kathryn.

Min Bernardo flaunts bonding moment with Alden RichardsMin Bernardo flaunts bonding moment with Alden RichardsMin Bernardo flaunts bonding moment with Alden Richards

ALDEN RICHARDS REPORTED COURTSHIP OF KATHRYN BERNARDO

Higit kumulang anim na buwan nang usap-usapan ang sinasabing panliligaw ni Alden kay Kathryn.

Sinasabing si Alden ang natira, habang maagang umurong ang dalawang aktor na sumubok umanong pumorma kay Kathryn early this year.

 

Tikom naman ang bibig ng dalawa kung mayroon na nga bang progress matapos nilang magkasama ng isang buwan na shooting sa Canada.

Sa ngayon, waring low-key pa si Alden sa hinihinalang panunuyo niya kay Kathryn.