SOBRANG NAKAKAIYAK ‘TO😭😭
Tyang Amy: Anna, alam mo, mahalaga din na inaalagaan mo ang sarili mo. Paano mo ba inaalagaan ang sarili mo kahit pagod na pagod ka na?
Anna: Di ko po alam. Siguro, tubig lang ako ng tubig.
Anna: Opo, sobra po.
Vice: Actually, ang hirap sagutin. Sa dami ng obligasyon mo, tapos kakapirangot ang kakayahan mo, paano mo pa aalagaan ang sarili mo? Diba, ang daling sabihin na dapat, oi, alagaan mo ang sarili mo, pero hindi ko alam kung paano ‘yan sinasagot ng mga breadwinners.
Tyang Amy: Kasi ‘yun yung ultimate sacrifice nila eh, ‘yung sarili nila.
Vice Ganda: Nakakalimutan na nila kung paano alagaan ang sarili para sa pamilya, kaya ‘yung pamilyang inaalagaan, dapat kayo ang mag-alaga doon sa nag-aalaga sa inyo. Hindi masama na minsan, teka lang, ako naman muna. Kahit sandali lang. Hindi masama ‘yun. It’s not being selfish; it is being selful. Di masama ‘yun! Umasa din kayo na ang Panginoon aalagaan ang mga breadwinner.
Vice: Ano gusto mo sabihin sa pamilya mo?
Anna: Kay Mama po. Si Mama po kasi may pagka-favoritism siya. Kahit po na nasa puder ko na po sila, ‘yung focus niya po, isip niya, nasa kay Ate pa din. Bali kapag dadating ako ng bahay, wala pong food. Kaya po ako pa, kailangan ako pa mag-asikaso sa sarili ko. Kaya medyo nagtatampo ako. Sana ma mahalin mo ako bilang ako, hindi bilang sila Ate. Sana makita mo din ako.
Vice: Kumusta? Anong gusto mong sabihin at nararamdaman mo ngayon?
Anna: Actually, nagulat po ako. Kasi parang may nawala po kasi sa akin, tsaka may opportunity na dumating. Kung di niyo po kasi naitatanong, kakabreak lang po namin ng boyfriend ko.
Vice: Bakit kayo nagbreak?
Anna: Nagpropose po kasi siya sa akin ‘nung birthday ko. Nag ‘no’ po ako.
Vice: Dahil?
Anna: Balak niya po kasing magsettle sa ibang bansa, then sabi ko, andito po ‘yung pamilya ko…‘yung buhay ko. Hindi ko pa sila kayang iwan. After a month, nagcheat po siya. Kung nag-yes daw po ako, hindi niya gagawin ‘yan.
Vice: Diba, pinagpalit niya ang buhay na may asawa dahil hindi niya pa kayang iwanan ang pamilya niya.
Breadwinners in the family need nothing more than simple appreciation for all the sacrifices they make. They just want to be seen and valued, giving them the strength to keep going. Salute to all breadwinners who selflessly prioritize their families over themselves. Praying that you will have the strength everyday and you will find genuine happiness soon