Paris Olympics gold medalist Nesthy Petecio: “Ever since, para sa kanila ang mga ginagawa ko, para sa pamilya ko. Ang reward ko sa kanila, maliban sa medalya, sa mga premyo na nakukuha ko, isine-share ko sa kanila… Alam naman nila na para sa kanila ang lahat ng mga nakukuha ko. Hindi ko naman ipinagdadamot sa kanila.”
PHOTO/S: Nesthy Petecio Instagram
Muling magkakaroon ng hero’s welcome parade para kay Nesthy Petecio, ang bronze medalist sa women’s flyweight event sa Paris Olympics, sa Davao del Sur, ngayong Martes, Agosto 27, 2024.
Dalawang beses nang nagkaroon ng homecoming parade si Nesthy sa bayang sinilangan nito.
Hindi nakaligtas sa matalas na paningin ng publiko na kasama niya sa parada ang kanyang pamilya.
Nesthy Petecio with her mother Prescilla Petecio (right) during the boxer’s homecoming parade in Davao del Sur last week.
Photo/s: Screen grab from 24 Oras
Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files, sinabi ni Nesthy na ang makasama ang kanyang pamilya sa homecoming parade ang itinuturing niyang most memorable moment.
Lahad ng Olympian, “Most memorable na nangyari talaga sa parade, kasama ko yung pamilya ko, most especially yung bunso namin, si Nejie.
“Bihira lang siyang lumabas o makipaghalubilo sa mga tao dahil special child po siya, may Down Syndrome.
“Kasama ko rin ang nanay ko, si Prescilla Alcayde Petecio.
“Hindi lang naman po ang nanay ko ang gusto kong makasama sa homecoming parade. Lahat sila, gusto kong isama, kung puwede sana. Lahat sila, nakadikit sa akin.
“Pero alam din naman nila yung, kumbaga, kung moment ko, moment ko. Kung gusto ko na nandoon sila, nandoon sila.
“So, marunong po rin silang umintindi at mag-adjust.
“Yun po ang pinaka-memorable, yung kumpleto kami.”
FAMILY FIRST FOR NESTHY PETECIO
May advocacy ka ba para sa kapatid mo na may Down Syndrome?
Ayon kay Nesthy, “So far, wala pa ako naiisip na advocacy kasi mas busy ako sa pag-iisip ng the best na negosyo. The best na investment para sa pamilya ko.
“Hindi naman po mawawala ang concern ko sa kapatid ko na may Down Syndrome. Lahat kami ng mga kapatid ko, siya talaga ang iniisip, maliban sa magulang namin.”
Nesthy Petecio and Nejie
Photo/s: Nesthy Petecio Instagram
Ang kapakanan ng pamilya ang mahalaga para kay Nesthy kaya may ibinigay rin siyang pabuya sa mga kamag-anak mula sa mga premyong natanggap niya mula sa kanyang tagumpay sa Paris Olympics
“Ever since, para sa kanila ang mga ginagawa ko, para sa pamilya ko.
“Ang reward ko sa kanila, maliban sa medalya, sa mga premyo na nakukuha ko, isine-share ko sa kanila,” masayang lahad ni Nesthy.
“Simple lang ang reward ko, maging kumpleto kami.
“Alam naman nila na para sa kanila ang lahat ng mga nakukuha ko. Hindi ko naman ipinagdadamot sa kanila.”
Ano ang mga balak mong gawin sa mga pabuyang natanggap mo mula sa pamahalaan at iba’t ibang organisasyon?
Saad ni Nesthy, “Nag-invest talaga ako sa lupa. Yun ang target ko palagi.
“May plano rin akong magnegosyo pero pagpaplanuhan muna kasi, kumbaga, kailangan magdesisyon nang maayos.
“Mahirap magdesisyon at maglabas ng pera na hindi talaga napagplanuhan.”
Hindi rin nakalilimot magdasal at magpasalamat sa Panginoong Diyos si Nesthy dahil sa mga biyaya Nitong ipinagkakaloob sa kanya.
“Ang palagi ko lang hiling sa Diyos, i-guide niya ako palagi sa lahat ng mga desisyon ko. Palagi Niya akong protektahan especially yung pamilya ko.
“Kung ibe-bless ako ni Lord, i-bless din Niya ang pamilya ko, ang mga kapatid ko at ang mga tao na mahalaga sa akin.”
Ano ang mensahe mo para sa lahat ng mga sumusuporta sa iyo?
“Sa lahat ng mga tagasuporta ko, sobrang nagpapasalamat talaga ako sa mga ipinapakita ninyong suporta sa akin.
“Manalo o matalo, grabe yung suporta ninyo. Sa mga dasal ninyo, maraming-maraming salamat.
“Suportahan pa po ninyo ako. I-push na natin ito hanggang LA Olympics kung meron man [boxing competition],” saad ni Nesthy.
News
Ion Perez at Jackie Gonzaga nalalapit na ang pagpapakasal! Vice Ganda tututol sa kasal!-A
Kamakailan, umani ng atensyon ang balitang nalalapit na ang pagpapakasal nina Ion Perez at Jackie Gonzaga. Ang kanilang relasyon ay puno ng pagmamahalan at suporta, ngunit tila may hadlang na darating mula kay Vice Ganda, na kilala sa kanyang matalas…
LUMANTAD NA! Dingdong Dantes EMOSYONAL na INAMIN ang KATOTOHANAN tungkol kay ZIA Dantes!-A
Isang emosyonal na pagkakataon ang naganap nang si Dingdong Dantes ay lumantad at nagbahagi ng kanyang saloobin tungkol sa kanyang anak na si Zia Dantes. Sa isang kamakailang interview, inamin ni Dingdong na ang pagiging ama ay isa sa pinakamahalagang…
JASMIN Curtis NAGSALITA na tungkol sa HIWALAYAN nina ANNE Curtis at asawang si ERWAN Heussaf!-A
Sa isang kamakailang interview, nagbigay ng pahayag si Jasmin Curtis tungkol sa hiwalayan ng kanyang kapatid na si Anne Curtis at asawang si Erwan Heussaff. Ang kanyang mga salita ay nagbigay-linaw at emosyon sa mga tagahanga at tagapagsubaybay ng kanilang…
INA ni ANNE na si CARMEN Curtis IBINULGAR ang dahilan ng HIWALAYAN ni ANNE Curtis at ERWAN Heussaf!-A
Sa isang nakakagulat na balita, ibinulgar ni Carmen Curtis, ina ni Anne, ang dahilan ng hiwalayan ng kanyang anak kay Erwan Heussaff. Ang pahayag na ito ay nagdulot ng matinding reaksyon sa mga tagahanga at sa publiko. Ayon kay Carmen,…
GERALD Anderson SINUNDO na sa AIRPORT ang ANAK nila ni KIM CHIU!-A
Isang nakakatuwang balita ang lumabas, nang makita si Gerald Anderson na sinundo sa airport ang kanilang anak ni Kim Chiu. Ang espesyal na okasyong ito ay umani ng atensyon mula sa mga tagahanga at netizens, na puno ng saya at…
Robi Domingo BINABATIKOS ng PUBLIKO sa KALAGAYAN ni Maiqui Pineda
Isang mainit na isyu ang lumabas sa social media tungkol kay Robi Domingo matapos ang mga alegasyon ukol sa kalagayan ng kanyang girlfriend na si Maiqui Pineda. Ayon sa mga ulat, maraming netizens ang nagbigay ng kanilang opinyon at kritisismo…
End of content
No more pages to load