Kris Aquino, Ibinahagi sa Kanyang mga Tagasubaybay ang Pagkakaroon ng Unang Yugto ng Lupus

No photo description available.

Noong Linggo, ibinahagi ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang mga tagasubaybay na siya ay nasa unang yugto ng Systemic Lupus Erythematosus (SLE), mas kilala bilang lupus. Sa kanyang social media post, naging bukas si Kris tungkol sa kanyang kalagayan sa kalusugan.

No photo description available.

“I was reluctant to post my pics because I lost weight again… I knew I had to help myself, nobody else could eat for me, and slowly I started eating food again,” paglalahad ni Kris. Ibinahagi rin niya na sa kanyang pagdadalas ng mga sintomas, natuklasan niya na mayroon siyang mga palatandaan ng isa pang autoimmune connective tissue disease.

No photo description available.

“I’m at the initial stage of SLE or what’s commonly known as lupus… My battle has become more complex BUT I promised my sons and my sisters I won’t be a wimp. And I’m promising all my friends plus all who continue to pray for me: bawal sumuko, tuloy pa rin ang laban,” dagdag pa ni Kris.

Maraming netizens at tagasuporta ang nagpahayag ng kanilang malasakit at suporta para kay Kris. Sa kabila ng mga hamon sa kanyang kalusugan, nananatiling matatag si Kris at ipinapakita ang kanyang walang kapantay na determinasyon para ipagpatuloy ang laban, hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi para na rin sa kanyang mga anak at pamilya.